Pagtira sa China, ginagamit na pampapogi ng mga pulitiko, pwe!

ni Ka Ambo @Bistado | October 21, 2026

Natauhan ang Malacañang.
Ipinaubaya na lamang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pakikipag-usap sa Chinese ambassador.
Napakalaking tama.
----$$$--
Pamumulitika, propaganda at pagpapapogi ang ginagawa ng ilang pulitiko sa pagbatikos sa China.
Akala nila ay katulad nilang gunggong ang mayorya ng mga Pinoy.
Alam ng ordinaryong Pinoy na hindi “kaaway ng Pilipinas” ang China.
Ang kaaway dito ay ang mga “gunggong na lider” ng China pero hindi kailanman ang bansa ng China.
----$$$--
DAPAT ay maingat sa paglalabas ng personal o opisyal na pahayag ang mga national leader kaugnay sa relasyon ng Pilipinas at China.
Kasama sa dapat mag-ingat sa pagsasalita si Defense Secretary Gibo Teodoro.
-----$$$--
DAPAT linawin ng DND na mahalaga ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas sa China.
Binabatikos lamang dito ay hindi ang bansang China, bagkus ay ang mali o dispalinghadong pahayag ng mga tiwaling opisyal ng China.
---$$$--
KAKAMBAL ng kultura ng Pilipinas ang China; kumpara sa kultura ng mga Amerikano.
Hindi puwedeng mabuo ang kasaysayan ng Pilipinas nang hindi kasama ang China.
-----$$$--
MAS angkop na sabihin na ang China ay unang nasakop ng kontrol ng Binondo kaysa sa kontrol ng Beijing.
May pagkakataong nasakop ng mga sinaunang Pinoy ang ilang teritoryo ng China.
Kumbaga, hindi dapat dumidipensa ang Pilipinas, bagkus ay umu-opensa sa kulturang Tsino.
-----$$$---
SUMASANDAL sa produksiyon ng pagkain ang mga Tsino sa Pilipinas sa panahon ng tag-yelo sa naturang bansa, kaya’t nabuo ang Banaue Rice Terraces.
Magkakambal ang bituka ng mga taga-Norte at mga taga-China.
------$$$--
ANG Taiwan ay karugtong ng Batanes at Ilocandia.
Maraming istorya na magkakambal ang kanilang kultura.
-----$$$--
KULTURA ang pundasyon ng lahat.
Ang problema, ilang senador kaya ang nakakaunawa ng katagang “kultura.
Mas bihasa sila sa “kultura sa korupsiyon.”
----$$$--
NABUBURA na sa eksena ang bulto-bultong shabu na nasabat sa barko sa Thailand patungong Maynila.
Ibinababad ang balita sa mas kakaunting bolyum ng shabu mula Laos na sakay ng private jets.
Malaki ang problema natin sa larangan ng pamamahayag.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments