top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Jonvic, sablay kaya todo-explain na walang kinalaman ang mga Duterte sa Laos drug shipment

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 21, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


'NAYANIG' SI SEC. REMUILLA SA BATIKOS NG MGA DDS KAYA AGAD NILINIS ANG PANGALAN NI FPRRD AT SINABING WALA SINUMAN SA DUTERTE ANG SANGKOT SA LAOS DRUG SHIPMENT — Ikinagalit ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ginawang pagpepresenta ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa larawan ni former President Rodrigo Roa Duterte na kasama ang mag-asawang Maranao na kabilang sa mga sangkot sa Laos drug shipment at dahil d’yan ay pinutakti nila ng batikos ang kalihim.


Tila nayanig si Sec. Jonvic Remulla sa batikos sa kanya ng mga DDS kung kaya't nilinis nito ang pangalan ni FPRRD, gayundin ang buong pamilya Duterte nang sabihin niyang walang sinuman sa mga Duterte ang sangkot sa Laos drug shipment.


Next time, maging maingat sana si Sec. Remulla sa pagpepresenta ng mga larawan na kasama ang sinuman sa mga Duterte para hindi siya nayayanig sa batikos ng mga DDS, boom!


XXX


CONG. ROMUALDEZ LUMALABAS NA MASTERMIND AT BAGMAN NIYA SI ZALDY CO SA KICKBACK SA FLOOD CONTROL SCAM — Sa pagdinig sa Sandiganbayan ay sinabi ni P/Sgt.Larry Bellen, dating close-in bodyguard ni former Cong. Zaldy Co na si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez daw ang humikayat noon sa kanyang amo na maging nominee sa Ako Bicol Party-list.


Dahil sa sinabing 'yan ni Sgt. Bellen ay lumalabas ngayon na si Cong. Romualdez ang mastermind at kinasabwat, ginawa niyang bagman si ex-Cong. Zaldy Co sa pagkuha ng kickback sa flood control projects scam, period!


XXX


TUMAMA SA MUKHA NI ANTE KLER ANG PAGSADSAD NG PISO KONTRA-DOLYAR KASI MADALAS NIYANG SABIHIN NA TODO-KAYOD DAW SI PBBM, PERO ANG HALAGA NG PISO SUMESEMPLANG NAMAN — Sumadsad sa P63.09 ang halaga ng piso kontra dolyar kamakalawa, October 19, 2026, at ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng Pilipinas.


Ang isyung ito ay masasabing "tumama" sa mukha ni Presidential Communications Office (PCO) Usec., Spokesperson Ante Claire Castro na madalas magsabing "todo-kayod" daw sa trabaho ang amo niyang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM), kasi kung totoong nagtatrabaho ang presidente para sa kapakanan ng bayan at mamamayan ay hindi sana sesemplang ang halaga ng piso kontra dolyar, boom!


XXX


3 LOYALISTANG MAY RAKET NA 'PBA ENDING' SA QC DAPAT ARESTUHIN — Ginagawang raket ngayon ng mga loyalistang sina ret. Policeman Miranda, "Nonoy" at "Nanette" ang "PBA ending" na ibig sabihin ay kumuha sila ng sangkaterbang kubrador sa Quezon City para mangubra sa mga nais tumaya rito, na ang mananalo ay ibabase sa dalawang huling numero sa resulta ng iskor ng magkalabang team sa PBA.


Kasiraan ito sa PBA kaya't dapat umaksyon dito sina Mayor Joy Belmonte, QCPD Director Gen. Christopher Olazo at GAB (Games Amusement Board) Chairman Francisco Rivera, dapat ipahuli agad nila ang tatlong mangraraket na ito sa Quezon City, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page