top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Nawala ang kadaldalan, biglang bait-baitan… ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 21, 2026



WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Nagpakita na sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang isa sa mga hosts ng Machong Chismisan podcast na nang-insulto sa anak nina Kris Aquino at Phillip Salvador na si Joshua Aquino.


Sumipot si Daniel Lawrence Vivar na kilalang ‘LV’ kasama ang kanyang abogado, alinsunod sa ipinadalang subpoena na inilabas ni NBI Director Melvin Matibag.


Kung matatandaan, sinabihang ‘walang kuwenta’ si Joshua – na may autism – sa podcast episode na pinamagatang Ang Pagbabalik ni Kris Aquino noong October 5 na ngayon ay burado na.


Samantala, ikinatuwa ng mga netizens ang pagpunta ni Vivar sa tanggapan ng NBI.

“Bumait bigla, ah.”

“Tahimik!”

“Nawala ‘yung kadaldalan, ah!”

“Bait-baitan, ni walang ka-muscle-muscle ‘yan, hoy. Macho raw?”

‘Yun na!





NAGLABAS ng teaser ang long-running reality show na Pinoy Big Brother (PBB) para sa bagong batch ng housemates sa upcoming season na PBB Collab 3.0.


Sa isang social media post, nag-upload ang reality program ng reel na nagbibigay ng sulyap sa mga regular housemates para sa pinakabagong season, na magsisimula ngayong Sabado, October 24, alas-6 ng gabi sa GMA Kapuso Stream, at ABS-CBN YouTube (YT) Channel. 


Ang pre-show ay magaganap nang alas-5:45 ng hapon.

Isa si Melai Cantiveros sa mga hosts ng bagong edisyon na nag-anunsiyo ng pagbubukas ng bagong Bahay ni Kuya. Kabilang din sa hosting lineup sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at ang bagong host na si Michael Sager.


“Excited na ba kayong makita ang bagong bahay ni Kuya? At lalabas na rin sila. Malapit n’yo nang makilala ang bagong batch ng housemates na magko-collab. Bawat isa, may kuwento, bawat isa, may pangarap. Abangan kung sinu-sino sila,” sabi sa teaser.


Nauna nang inanunsiyo na ang PBB Collab 3.0 ay magtatampok ng mga regular housemates pagkatapos ng dalawang magkasunod na celebrity edition.


Sinabi rin ng ABS-CBN TV Production head na si Laurenti Dyogi na magkakaroon ng bagong Bahay ni Kuya matapos isara ang orihinal na PBB house, na ginamit sa loob ng 21 taon mula nang mag-debut ang reality show.


Noong nakaraang taon, itinanghal sina Brent Manalo at Mika Salamanca bilang Big Winner duo ng unang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) na nagmarka sa makasaysayang partnership ng ABS-CBN at GMA Network.


This year, itinanghal naman ang Kapamilya star na si Lella Ford at ang Kapuso celebrity na si Caprice Cayetano bilang Big Winners ng PBBCCE2.0. 


Pinagsama-sama ng show ang mga artista mula sa Star Magic at Sparkle bilang housemates sa loob ng iconic na Bahay ni Kuya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page