Sino ang may sala kung bakit kumalat? HUNK ACTOR, HULING-HULI SA VIDEO NA NAGDA-DRUGS
KASAMA ANG ISA PANG TSINITONG AKTOR AT MGA KATROPA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 06, 2021

BLIND ITEM:
May nagpadala sa amin ng video ng isang grupo ng mga kabataang nagpa-pot session at may nilalanghap na usok na mula sa isang canister.
Ayon sa nagpadala sa amin ng video, wari (pain-reliever spray) ang laman ng naturang canister. Ito raw ay ginagamit para mas lumakas ang tama ng mga nagte-take ng ecstasy.
Ang ikinagulat namin, kasama sa grupong ito ang sumikat na hunk actor na napanood sa isang malaking teleserye ng giant network. Malinaw ang video kaya hindi maipagkakailang siya 'yun.
Katabi pa niya ang isang tsinitong aktor na hindi naman sobrang sikat pero noon pa nababalitang ka-buddy-buddy ng hunk actor at minsan pa nga silang naintriga na may relasyon dahil lagi nga silang magkasama.
Makikitang may hawak na pink towel ang aktor at ayon sa nagpadala sa amin ng video, in-spray-an daw ng wari ang naturang tuwalya (Naku, buti na lang hindi ito ang ginawang Jollibee 'fried towel', char!).
Samantala, 'yung isa pang video na ipinadala sa amin ay karugtong ng video na nagpa-pot session ang dalawang aktor at ilang katropa. This time, makikitang super hyper na ang aktor at isang kasama at sayaw nang sayaw na parang walang kapaguran.
Nakakalungkot lang at nakakapanghinayang kung hindi maaagapan ang masamang bisyo ng naturang hunk actor. Magaling pa naman siyang umarte bukod sa malakas ang dating kaya puwedeng pang-leading man.
Ang tanong lang namin, sino ang may sala at bakit lumabas o kumalat ang video ng naturang pot session nila?





Comments