SIGAW NI XIAN: ALEX, ANG GANDA-GANDA NA, ILONG, SINIRA PA NANG IPARETOKE!
- BULGAR
- Jan 4, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 4, 2024

May bago na namang tinira ang controversial vlogger-personality na si Xian Gaza sa kanyang latest Facebook post.
This time, ang nananahimik na ilong ni Alex Gonzaga ang kanyang pinagdiskitahan.
Aniya sa kanyang FB post, "'Pag naglakad-lakad ka dito sa Thailand, mapapansin mo na pare-parehas 'yung ilong ng mga ladyboy. Same-same nu'ng bagong ilong ni Alex Gonzaga."
Dagdag pa nito sa comments section ng kanyang post, "Ang ganda-ganda na niya, eh, sinira pa."
At ang huling hirit pa niya, "Walang masama sa pagpaparetoke as long as mas gaganda ka, in the first place 'yun ang pinaka-purpose ng cosmetic surgery."
Hala! Patulan kaya ni Alex ang sinabi tungkol sa kanya ni Xian Gaza?





Comments