SIGAW NI MARIEL: PUWEDE KAMING MABUHAY NI ROBIN NG HUNDRED YEARS
ni Nitz Miralles @Bida | March 4, 2024

Nagkita-kita sa Singapore sina Senator Robin Padilla and wife Mariel Rodriguez, ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga, at sina Mikee Morada at Alex Gonzaga. Nakalagay sa post ni Mariel na sa Day 3 nila ni Robin sa Singapore sila nag-lunch.
Sabi ni Mariel, “Lunch with beautiful people, thank you to the Sorianos,” at sa caption niyang ito, tama ba ang dating sa amin na sina Direk Paul at Toni ang nanlibre ng lunch?
Nasa Singapore sina Robin at Mariel dahil sa medical checkup at masaya nitong ibinalita na “Praise God Robin and I are super healthy, we can live for a hundred years all the barley, turmeric and vitamins we have been taking have really helped. Ang galing!!!”
Ang galing din ni Mariel dahil nakapag-promote ng barley, hindi pa nito itinuloy, at hindi binanggit ang brand ng barley na kanyang iniinom at ine-endorse. Habang nasa eroplano nga sila ni Robin, nag-promote pa siya ng barley at uminom sila ni Robin nito.
May mga nag-comment na sosyal sina Robin at Mariel, dahil sa Singapore pa ang medical checkup. Pero yearly yata nila ito ginagawa, at hindi lang ngayong senador na si Robin.
Karamihan sa mga comments, ang wish ay makita nila sa Singapore sina Robin at Mariel na siguradong pagkakaguluhan.





Comments