top of page

SIGAW NG KAMPO NI KATHRYN: 'DI NAKAKA-FASHION ICON ANG COVER NI HEART SA MAGAZINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 13, 2023



Nakakatuwa ang mga fans, pinagkukumpara ang pagiging cover nina Heart Evangelista for Vogue Philippines at Kathryn Bernardo for Preview. 'Kaaliw ang argumento ng mga fans sa kung kaninong cover ang mas may impact sa netizens at kahit ang dalawa, matutuwa kapag nabasa ito.


Mas na-hype raw ang pagiging cover girl ni Kathryn at may mga gumaya na nga sa pose niya lalo na ‘yung may red heart na nakatakip sa kanyang boobs.


Sagot naman ng mga maka-Heart, hindi na kailangang i-hype pa ang Vogue cover ni Heart dahil kilala na siya internationally at mga kaibigan nito ang nagpo-promote ng Vogue.


Binanggit ng mga fans ni Heart si Kevin Kwan, ang author ng Crazy Rich Asian na ipinost sa kanyang Instagram ang copy ng Vogue na cover si Heart at may caption pang: “They had style, they had grace, Heart Evangelista gave good face.”


Sagot naman ng maka-Kathryn, hindi nakaka-fashion icon ang cover ni Heart at kung anu-ano pang nakakatuwang mga comments. Matagal pa matatapos ang sagutang ito ng mga fans.


Samantala, si Heart ang first local celebrity na na-feature sa 3D billboard sa BGC at nangyari ang unveiling ng 3D billboard sabay ng Zalora 11.11 Sale.


Kita sa mukha ang labis na tuwa ni Heart nang i-launch ang 3D billboard niya na dinaluhan ng mga taga-Zalora at maraming fans.


Siyempre pa, masayang-masaya ang mga fans ni Heart sa isa na naman niyang achievement. Sa laki ng crowd, may bagong title si Heart na bigay ng kanyang fans. Siya raw ang “Queen Heart on High Street.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page