Sibak sa puwesto… DIREK PAUL, TINULUYAN NA NI PBBM
ni Beth Gelena @Bulgary | November 10, 2023

Tuluyan na palang nawala sa puwesto bilang Presidential Adviser for Creative Communications ang mister ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano.
Kinumpirma ito ni Sen. Sonny Angara sa plenary debate para sa proposed budget for 2024 ng Office of the President.
Matatandaang ilang buwan na ang nakararaan ay napabalitang nag-leave of absence si Direk Paul sa kanyang posisyon bilang Presidential Adviser para mabantayan umano ang kanyang misis na delikado ang lagay noon dahil sa kanyang pagbubuntis.
At ngayon ngang kumpirmado nang wala na si Direk Paul sa kanyang posisyon, nagpipiyesta naman ang mga netizens sa pagko-comment.
Ilan sa mga komentong nabasa namin sa isang entertainment site…
"LOL! Sayang 'yung ginastos kay Hudgens... walang 'wenta na tourism campaign, palibhasa, 'di nila pera ginastos. Nakakagigil!"
"Dasurv!"
"Ouch… that didn't take long..."
"Ligwak na kay Ninong."
"Na-boycott na ngang tuluyan."
Kung matatandaan, ninong nga pala sa kasal nina Toni at Direk Paul si PBBM, kaya bakit daw hinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos na mawala sa posisyon ang kanyang inaanak?





Comments