SHARON, TINAWAG NA LAOS
ni Nitz Miralles @Bida | October 29, 2023

Kabilang sa mga nanood sa Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay sina Coco Martin at Julia Montes at mga nakasama ni Sharon sa Ang Probinsyano na kung tawagin nga niya ay “My FPJAP FAMILY!!! For your LOVE AND SUPPORT!!! I LOVE YOU SOOO MUCH!!!”
Isa-isang itinag ni Sharon sina Coco, Julia, Shaina Magdayao, Miles Ocampo, Angel Aquino, Malu Sevilla, Jay Gonzaga, John Estrada, Michael de Mesa, Cherry Pie Picache at iba pang nakasama niya sa series. Pinuntahan nila si Sharon sa backstage at masaya silang nagpakuha ng larawan.
Masaya ang concert, may parteng nakakaiyak (‘yung segment ni KC Concepcion) at kita mo ang saya ng mga fans na muling mapanood na magkasama sa stage sina Sharon at Gabby. Hindi lang wish ni KC ang natupad that night, pati ang wish ng ShaGab fans, kaya kahit sobrang trapik papunta at pauwi ng MOA, nakangiti pa rin ang mga fans.
Samantala, mayroon talagang spoiler sa masayang okasyon, gaya ng isang basher na sa post ni Sharon na nasa likod niya ang LV bags and luggages niya, nag-comment ng “Showing off your Louis Vuitton, Sharon?”
Ang mga fans na ni Sharon ang sumagot na walang masama kung puro LV ang bags at luggage niya dahil pinaghirapan niya ang ipinambili at hindi galing sa nakaw. Nagkamali ang basher dahil kinuyog siya ng mga fans at pati ang kasama niyang Afam sa photo, nadamay.
Humirit pa ang basher at sabi, trying hard si Sharon at kahit maligo pa ng LV, laos pa rin.
Hindi nakita ni ate gurl ang maraming tao na pumuno sa MOA sa concert para sabihing laos na si Sharon. May mga ‘kaaliw na comments na hindi na kinaya ng basher, ayun, limited na ang puwedeng mag-comment sa comment box ng IG niya.
Anyway, ang dami ngang bitbit na LV bags and luggage ni Sharon sa dressing room niya sa MOA dahil ito sa ilang beses siyang nagpalit ng gowns. Ang sabi naman ng ibang press, baka dinala na ni Sharon ang mga isusuot na gowns at ibang gamit sa Dear Heart VIP Night sa Okada Manila Ballroom para hindi na siya pabalik-balik.





Comments