SERYE NG DONBELLE, PINALITAN NG KAY KIM PARA MATAPATAN SI XIAN
- BULGAR
- Jan 14, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 14, 2024

Nababasa naming may mga nagrereklamong DonBelle fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil inilipat sa third slot ang show ng DonBelle na Can’t Buy Me Love.
Inilagay kasi sa second slot, na dating sa CBML, ang Linlang na magsisimula ang airing ng teleserye version sa January 22. Kaya sa nasabing petsa, sa third slot na mapapanood ang show nina Donny at Belle.
Sabi ng DonBelle fans, mas bagay sa second slot ang CBML dahil pambata ang concept nito at bagay sa third slot ang Linlang dahil pang-mature audience. Pero, may mga DonBelle fans na okay lang na sa third slot ang CBML dahil kaya pa raw magpuyat ng mga bata.
May rason sigurado ang Dreamscape at ABS-CBN kung bakit sa second slot inilagay ang Linlang at inilipat sa third slot ang CBML. Saka, mas exciting ang magiging tapatan sa second slot ng series ni Kim Chiu at ng Love. Die. Repeat ni Xian Lim.





Comments