Senado, nagmumukha nang circus sa gulo ng liderato
- BULGAR

- 58 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 25, 2026

Masalimuot ang liderato sa Senado.
Parang circus–tumutulay sila sa alambre.
-----$$$--
Excited ang marami sa Impeachment Trial ni VP Sara.
Nagdarasal sila na sana ay hindi ito maging isang “paglilitis kay Mang Serapio.”
-----$$$--
Hina-hunting na si Sen. Bato.
Ito ay kahit wala pang final decision ang Korte Suprema.
-----$$$--
PINAGDUDUDAHAN naman ng ilan ang kredibilidad ni Atty. Ralph Calinisan na hepe ng Napolcom.
Binabantayan ni Calinisan ang 250,000 PNP.
Kumbaga, kailangan niyang tiyakin ang “katinuan” ng mga parak.
-----$$$--
SA totoo lang, isa tayo sa napabilib ni Calinisan sa bungad ng kanyang termino noong bandang Abril 2025.
Pero, napapansin natin na medyo emosyonal siya at “very conscious” sa kanyang postura–mabilis siyang “mapikon.”
-----$$$--
MADALI siyang “makiliti” kapag kinakalantari ng ilang nagtatanong ang kanyang diskarte.
Kapansin-pansin ito kapag nakaharap siya sa camera.
----$$$-
KAMAKAILAN sa isang media briefing, ibinandera ni Calinisan ang kapamilya ng ilang biktima sa missing sabungero case.
Diumano may isyu ng suhulan at idinadawit ang dalawang PNP officers.
Pero, hindi niya napansin—nalihis ang direksiyon ng usapan.
-----$$$--
SA kabuuan ng presscon, ang atensyon ay wala sa mga pulis na dawit sa kaso ng diumano'y insidente ng panunuhol.
Imbes ang dalawang parak ang pokus, nailigaw ang atensiyon patungo sa isyu sa isang “abogada.”
-----$$$--
PRIBADONG tao ang “abogada” pero ang plataporma ng okasyon—ay nahigop ng isyung ito imbes sa sitwasyon ng dalawang pulis na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Napolcom.
Ibinabad sa naturang “pabalita” ang pangalan ng abogada, imbes ang personalidad ng kontrobersiyal na pulis.
Sayang naman ang “oras” sa presscon.
-----$$$--
NAPAGKAITAN ng “due process” ang inakusahan.
At siyempre, dapat ay nalinawan mabuti kung ano ang tunay na sitwasyon—naibigay ang magkabilang panig.
----$$$--
MAHALAGANG maging maingat upang hindi magamit ang Napolcom ng ilang panig, bagkus ay maging patas ito sa mata ng mga mamamayan.
Sinasabing sablay din si Calinisan noong ipahiya niya ang isang pulis na sinasabing nanakit umano ng rider.
-----$$$--
Lumabas sa imbestigasyon na kasalanan naman pala talaga ng rider, pero napahiya na ang pobreng pulis.
Marami pang insidente na nauuna ang "pagpapapogi" sa media.
Ipagdasal nating maging “mas malinis” ang Napolcom sa gitna ng maseselang sitwasyon na nagaganap ngayon.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments