top of page
WINNER - VILMA, GAME MAKASAMA SI VICE, ‘WAG LANG GAWING KATAWA-TAWA-Vilma Santos-Recto IG

Sen. Robin, panindigan kaya ang pagiging ‘bad boy’ sa Ombudsman?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 19, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PATI PALA SI PBBM DAPAT BATIKUSIN SA SUMABLAY NA P10K AYUDANG PROMISE NI SEN. CAYETANO – Sinabi ni Sen. Alan Cayetano na hindi umano natupad ang pangako niyang P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pilipino noong 2022 elections dahil hindi raw ito sinang-ayunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).


Kung totoo ang pahayag ni Sen. Cayetano, hindi lang pala siya ang dapat managot sa hindi natuloy na P10K ayuda, kundi maging si PBBM. Period!


XXX


HINDI MAN AMININ, TIYAK KAKABA-KABA SI SEN. CAYETANO SA IMBESTIGASYON NG NBI SA 2019 SEA GAMES SCAM – Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na maglalabas sila ng subpoena upang imbestigahan ang mga opisyal ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na pinamunuan noon ni dating Speaker Alan Cayetano.


Hindi man aminin, tiyak na kakaba-kaba na si Sen. Alan Cayetano dahil posibleng madawit siya sa imbestigasyon ng NBI kaugnay ng mga umano'y anomalya sa 2019 SEA Games. Boom!


XXX


PANINDIGAN KAYA NI SEN. PADILLA NA DEDMAHIN ANG HINIHINGING COUNTER-AFFIDAVIT NG OMBUDSMAN? – Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na hanggang ngayon ay hindi pa nagsusumite ng counter-affidavit si Sen. Robin Padilla kaugnay ng kinakaharap nitong kasong obstruction of justice na may kaugnayan sa umano'y pagpapatakas noon sa Senado kay Sen. Ronald dela Rosa, na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).


Kilala si Sen. Padilla bilang "Bad Boy" ng pelikulang Pilipino, kaya ang tanong: Paninindigan kaya niya ang pagiging "Bad Boy" sa pamamagitan ng patuloy na hindi pagsusumite ng hinihinging counter-affidavit ng Ombudsman? Abangan!


XXX


MARAMING PINOY ANG KAKALAMPAG SA SONA NI PBBM SA JULY 27 – Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may apat na grupo ang magsasagawa ng rally sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa Hulyo 27, 2026.


Noong mga nakaraang SONA, karaniwang iisang grupo lamang, partikular ang mga militante, ang nagsasagawa ng protesta. Pero ngayong apat na grupo na ang nakatakdang magdaos ng rally, asahan nang mas maraming Pinoy ang kakalampag laban sa SONA ng pangulo sa Hulyo 27. Boom!


2 Comments


Aqsa
Aqsa
a day ago

This article felt warm and easy to read, with a simple easy structure that made the article feel well put together. It felt balanced overall and felt well paced.

super33 slot

Like

Aqsa
Aqsa
2 days ago

The rhythm gave this write up a strong sense of flow while keeping the tone balanced. It made reading easier with a natural style. Mercury 350hp Verado for sale

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page