top of page
BULGARY -HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ-IG _iamhearte.

Sen. Marcoleta, sisimulan na ang pagkalas ng maskara ng mga sangkot sa flood control scam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 2, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Viral ngayon ang mga aktibidad sa Senado.

Dalawang dambuhalang isyu ang pokus ng liderato.


----$$$---

Dami nangingialam, ito ay dahil sa  banta ng “walkout” ng minorya.

Nakababad din sa social media ang banta ng “sorpresang agaw-poder.”

He-he-he!


-----$$$--

Hindi alintana ang mga batikos, dalawang mahahalagang usapin ang agad tinutukan ng Senado.

Ito ay ang mainit na impeachment proceedings at ang muling imbestigasyon sa bilyun-bilyong pondo ng flood control.


----$$$---

Ikinakalantari ang Senate leadership change kung saan nailuklok si SP Alan Peter Cayetano.

Kesyo may "hidden agenda" raw, may lutuan, o panggigipit sa pulitika. 


-----$$$--

Bilis mag-conclude, ‘di ba? May konklusyon at hatol agad.

Pero bago tayo magpadala sa mga haka-haka at tsismis sa tabi-tabi, mas maganda siguro kung magsusuri muna tayo.


-----$$$--

Kinubkob ng krisis at tensyon ang Senado. 

Kasabay ng pagdating ng impeachment articles mula sa House of Representatives ay umugong din ang usapin ng destabilization at mga alegasyon ng kudeta.


----$$$--

May bantang pagsasampa ng kaso laban sa ilang miyembro ng mayorya, at may girian sa pagitan ng iba’t ibang bloke ng mga senador. 

Sa madaling salita, hindi simpleng transition ang hinarap ni Cayetano, kundi isang Senado na nasa gitna ng political siege.


----$$$---

SA halip na matulala o magpatianod sa ingay ng pulitika, agad na gumalaw ang bagong liderato.

Nang makarating ang mga artikulo ng impeachment sa Senado, agad itong inaksyunan.


----$$$--

Ang Konstitusyon mismo ang nag-atas sa Senado na maging isang "Impeachment Court." 

Trabaho nilang tanggapin ang kaso, ayusin ang rules, himayin ang bawat ebidensya, pakinggan ang depensa at ang panig ng taga-usig, at magdesisyon base sa kung ano ang legal at tama. 


-----$$$--

Sa flood control project scam issue, bumuo ng isang dedikadong flood control subcommittee sa pamumuno ni Senador Rodante Marcoleta. 

Malinaw na ang mandato: walang "sacred cows," walang protektadong interes, at walang exempted sa imbestigasyon.


----$$$--

Kung matatandaan, sinuspinde noon ni dating Senador Panfilo Lacson (na dating namumuno sa Blue Ribbon Committee) ang imbestigasyong ito sa flood control fiasco.

Ang masaklap, nakatengga ang partial report dahil kulang sa pirma ng mga senador para pormal na mai-sponsor sa plenaryo. 


-----$$$--

Kung mag-iimbestiga, huwag mamili ng administrasyon, huwag mamili ng ahensya, at huwag titingnan kung kapartido o kalaban sa pulitika. 

Sa ngayon, huhusgahan kung paano reresolbahin ang impeachment at ang isyu sa baha.


-----$$$--

Hindi porke nagbalasa ng mga komite o nagpalit ng mga pinuno ay "power grab" o "atake sa demokrasya". 

May tinatawag tayong "majority rule." Kaya nga naging mayorya dahil sila ang nakatoka para mag-organisa ng Senado at magtakda ng priority.

Bahagi ito ng demokratikong proseso.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page