top of page
Search
  • BULGAR

Sen. Kiko, masyonda na raw kaya pinipilit magpabata… NETIZEN KAY SHARON: TATANDA KA RIN, MAGIGING

BALYENA KA ULI!


ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 19, 2021




Ang dami na namang negative comments na ibinato kay Megastar Sharon Cuneta ng ilang netizens dahil du’n sa isang video na ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan pinuna ng aktres ang mga puting buhok ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan.


Sabi ni Sharon kay Sen. Kiko, “Sweetheart, i-dye mo naman ang hair mo. Kasi ‘pag nagkaapo tayo, ‘di ko matatanggap na ang katabi ko, lolo.”


Sagot naman ng mister, ayaw niyang magpa-dye dahil baka magka-COVID pa siya.


Obviously, simpleng lambingan lang ‘yun ng mag-asawa at mismong si Sen. Kiko ay mukhang hindi naman napikon sa sinabi ni Mega.


Pero umani nga ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang sinabi ni Sharon. Para sa mga diehard fans ng aktres, no big deal naman ‘yun. Pero may ilang netizens na na-offend para kay Sen. Kiko at sila ‘yung mas affected much sa sinabi ni Mega.


Sabi ni canoyester, “Pareho naman sila matanda na tingnan. Humabol nga si Sharon sa katandaan ng asawa niya.”


Sabi naman ni travelingfamily2000, “Wow! Tumabi sa iyo ang asawa mo nang ilang dekada na parang balyena ka kalaki (with laughing emoji).”


Komento ni precycorke, “Grabe naman siya, oh. Bakit ‘di ka na ba tatanda? Lahat naman tayo, tatanda. Kaya ka lang naman mukhang 50 kasi may money ka pang pampaganda. Kaya huwag naman, kasi ‘yung asawa mo, mukha nang 60+. Ingat din sa pagka-judgmental, Sharon, kasi he looks very old na asawa mo.”


Pero mas matindi naman ang banat ni offie_hernandez, “Masyado ka naman mag-judge ng tao! Pumayat ka lang, so confident sa sarili mo!!! Tatanda ka rin, Sharon!! Magiging balyena ka uli. Bilib me!”


Hala, grabe sila, ‘no!


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page