top of page
BULGARY -HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ-IG _iamhearte.

Sen. Jinggoy at former Sen. Bong Revilla, malapit nang mag-reunion sa kulungan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 2, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SABI NI SEN. RAFFY TULFO, IMPEACHMENT EVIDENCE ANG HAHARANGIN – Sinabi ni minority member Sen. Raffy Tulfo na kapag nabigo silang maagaw kay Senate President Alan Cayetano ang liderato ng Senado, posibleng harangin umano ng majority senators ang mga ebidensyang ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

May punto ang pangamba ni Sen. Tulfo dahil hindi maikakaila na marami sa mga senador na kabilang sa mayorya ay itinuturing na kaalyado ni VP Sara. Gayunman, ang magiging takbo ng impeachment trial ay nakasalalay pa rin sa ebidensyang ihaharap at sa panunumpang tungkulin ng bawat senador na maging patas sa pagdinig ng kaso. Period!


XXX


NGAYONG 20TH CONGRESS, BOKYA SA PANUKALANG BATAS ANG MGA SENADOR DAHIL BANGAYAN AT AGAWAN SA KAPANGYARIHAN ANG INAATUPAG – Ngayong 20th Congress, nakapagpasa na ang Kamara ng 20 panukalang batas, samantalang wala pang naipapasa ang Senado.


Sa totoo lang, kung magpapatuloy ang bangayan at agawan ng kapangyarihan sa loob ng Senado, posibleng lalo pang maantala ang pagpasa ng mahahalagang panukalang batas. Ang talo rito ay hindi ang mga pulitiko kundi ang mamamayang naghihintay ng mga batas na makatutulong sa kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na pamumuhay. Boom!


XXX


BAKIT KINOKONTRA NI DDS ATTY. PANELO ANG STATEMENT NINA SP CAYETANO, JINGGOY ESTRADA AT DDS SENATORS? – Kinontra ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang pahayag nina Senate President Alan Peter Cayetano at Sen. Jinggoy Estrada na pamumulitika lamang umano ang pagsasampa ng Ombudsman ng mga kasong plunder laban sa ilang miyembro ng mayorya sa Senado.


Ayon kay Panelo, bago pa man mapabilang sa Senate majority ang ilang senador, inirekomenda na ng noo'y Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, at Sen. Chiz Escudero.


Kaya naman iginiit ni Panelo na hindi maaaring basta ituring na may bahid ng pulitika ang mga kaso dahil matagal nang may mga naunang rekomendasyon laban sa mga nabanggit na senador.


Hala, ano kaya ang nangyari kay Atty. Panelo? Sa halip na suportahan ang pahayag ng kapwa niya mga kilalang Duterte supporters na sina Cayetano at Estrada, tahasan pa niya itong kinontra. Boom!


XXX


MALAPIT NANG MAG-REUNION SA KULUNGAN SINA SEN. JINGGOY ESTRADA AT FORMER SEN. BONG REVILLA – Matapos ianunsyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakahanda na ang selda para kay Sen. Jinggoy Estrada sa city jail, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na kapag inilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest para sa kasong plunder na walang piyansa, dadakpin nila ang senador kahit nasa loob pa ito ng Senado.


Ang mga pahayag ng BJMP at PNP ay itinuturing na indikasyon ng posibilidad na muling magsama sa kulungan ang magkaibigang Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Bong Revilla. Nauna na silang nakulong kaugnay ng pork barrel scam, at ngayon ay lumulutang muli ang isyu ng flood control projects scam na posibleng magdulot ng panibagong kaso laban sa kanila. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page