Sec. Jonvic, todo-handa, alam nang magwawala ang mga DDS ‘pag na-convict si VP Sara

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 27, 2026

SABI NINA GATCHALIAN, EJERCITO AT LACSON, BUBUSISIIN DAW NILANG MABUTI ANG LAHAT NG BUDGET SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN, PERO PAGDATING SA OP AT OVP, WALA NANG BUSISI, APRUB AGAD! — Malinaw ang sinabi nina Senate President Win Gatchalian, Sen. JV Ejercito at Sen. Ping Lacson na bubusisiin daw nila nang husto ang mga nakalaang proposed budget ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan, pero nang magkasunod na isalang ang mahigit P10 billion budget para sa Office of the President (OP) at mahigit P785 million budget para sa Office of the Vice President (OVP) ay simbilis ng kidlat na inaprub ito ng Senado.
Dahil diyan ay lumalabas na pabida lang pala sa publiko ang sinabi ng tatlong senador na ito na lahat ng budget ng mga tanggapan ng pamahalaan ay kanilang bubusisiing mabuti bago aprubahan, kasi nga wala na silang pagbusising ginawa sa mga budget ng OP at OVP, pagkasalang, aprub agad, boom!
XXX
SANA NANAWAGAN DIN SI DPWH SEC. LOPEZ SA MGA SENADOR AT KONGRESISTA NA HUWAG MAKIALAM SA MGA DPWH PROJECTS — Nananawagan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Geovanni Lopez sa mga kontraktor na huwag i-corrupt ang mga opisyal at tauhan ng DPWH.
Sana nanawagan din si Sec. Lopez sa mga senador at kongresista na huwag makialam sa mga infrastructure projects kasi sa totoo lang, 'yung pakikialam ng mga sen. at cong. sa mga DPWH projects sa pagpili ng mga kontraktor, supplier at hirit na "kickback" ang dahilan kung kaya't lumala nang husto ang corruption sa DPWH, period!
XXX
LAGOT ANG MGA MAHISTRADO NA NAGDISMIS SA HABEAS CORPUS PETITION NI KITTY KAPAG DUTERTE ULI ANG NAGING PRESIDENTE AFTER NG 2028 PRESIDENTIAL ELECTION — Dismayado ang pamilya Duterte sa pagdismis ng Supreme Court (SC) sa writ of habeas corpus petition ni Kitty Duterte patungkol sa legalidad ng pag-aresto ng kapulisan kay former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) at pag-aprub ng Marcos administration sa pagpapakulong sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) at sa kahilingan na hilingin ng SC sa ICC na pakawalan sa kulungan at pabalikin sa Pilipinas ang ex-president.
Dahil dito, tiyak lagot ang mga mahistradong nagdismis sa petisyong ito kapag isa sa mga Duterte ang naging presidente after ng 2028 presidential election, abangan!
XXX
PARANG ALAM NA NI SEC. JONVIC NA MAGWAWALA ANG MILYUN-MILYONG DDS KAPAG NA-CONVICT SI VP SARA KAYA ANG MGA KAPULISAN INAALERTO NA NIYA — Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na pinaghahanda na raw niya ang kapulisan sa anumang posibleng mangyari kapag ibinaba na ng Senate Impeachment Court ang hatol sa kasong impeachment ni VP Sara.
Kumbaga, parang alam na ni Sec. Jonvic na magwawala ang milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) kapag na-convict si VP Sara, kaya't inaalerto na niya ang kapulisan, period!





Comments