top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

BF, naniwala raw agad na nag-cheat siya sa ibang lalaki… MAGUI, GUSTONG MAG-EXPLAIN KAY ROBBIE, DINEDMA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Nitz Miralles @BIDA | November 27, 2026



Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG

Photo: Magui Ford Planas at Robbie Jaworski - IG



May mga lumulutang na balita sa kumakalat na breakup nina Magui Ford at Robbie Jaworski. Nasa dressing room daw ng Bahay ni Kuya si Magui nang lumabas ang kanyang BF. Hindi lang daw nakita ang kapatid ni Daniel Padilla dahil pinaalis siya ni Robbie at hindi pinakinggan tungkol sa isyu na nakita siyang may ibang kasamang lalaki habang nasa PBB house ang BF.


Sumunod pa raw ito sa bahay nina Robbie para sana makausap ito, pero hindi pinansin. Kasama pa raw ni Magui sa pagsundo ang kapatid na si Lella Ford at ka-love team nitong si Joaquin Arce. 


Hindi pa rin daw binigyan ni Robbie ng chance si Magui na marinig ang side nito. Nakita raw ni Lella ang ginawa nito sa kapatid, kaya in-unfollow niya ito sa Instagram (IG).


Sa mga nabasa naming comments, naniwala raw si Robbie sa mga bumulong sa kanya, tagging Magui na nag-cheat sa kanya. Sinayang daw nito ang ilang taon na relasyon nila dahil lang sa bulong.


Hindi nabanggit kung sino ang mga bumulong at kung ano ang sinabi sa kanya. Sabi ng mga fans, sana ay masaya na ang nanira kay Magui kay Robbie dahil nasira na ang relasyon ng dalawa.


Hanggang ngayon, wala pang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hindi na rin nagsalita sina Karla at Mikee Cojuangco-Jaworski, which is actually, mas maganda para hindi na lumaki pa ang isyu and let it die naturally.





Nagsama-sama ang De Belen at Estrada family sa joint birthday celebration ng soon-to-be magbalae na sina Janice de Belen, nanay ni Kaila Estrada, at Karla Estrada, nanay ni Daniel Padilla.


Magkasunod ang birthday nina Janice at Karla. Nauna ang birthday ni Janice noong November 9, at sumunod ang birthday ni Karla noong November 21. Hindi naman siguro nagtipid ang dalawang moms kaya nag-decide na pagsabayin ang birthday celebration nila. Gusto lang siguro nilang magsama-sama ang kani-kanilang pamilya at makapag-bonding na rin.


Sa pamilya ni Janice, ang anak lang na si Luigi Muhlach ang wala sa joint birthday celebration, at sa pamilya ni Karla, kumpleto ang mga anak at apo. 

Nakita naman sa picture si Magui Ford na ginawang controversial dahil sa isyu with Robbie Jaworski.


Masaya ang mga fans nina Daniel at Kaila na close ang kani-kanilang ina, at ibig sabihin, kapag sila ay ikinasal, wala silang magiging in-laws problem dahil magkaibigan at close pa ang kani-kanilang pamilya.


May larawan na magkasama sina Janice at Karla sa harap ng kani-kanilang birthday cake at makikita ang saya sa kanilang mga mukha. Makikita rin ang saya ng mga anak nilang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page