Scarlet, naghahanap na raw ng kapatid… HAYDEN, GUSTONG MAGKA-BABY ULI SILA NI DRA. BELO
- BULGAR
- May 18, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 18, 2021

Hala, mukhang biglang na-miss ni Doc Hayden Kho ang magkarga ng baby kaya ayan, humirit ito sa kanyang misis na si Dra. Vicki Belo na magkaroon na ng kapatid ang kanilang unica hija na si Scarlet Snow.
Sa Instagram account ni Doc Hayden, nag-post siya ng picture na karga-karga ang bagong baby ni Georgina Wilson.
Caption niya rito, "Can I keep this beautiful baby, @ilovegeorgina? Naghahanap na ng kapatid @scarletsnowbelo"
May sumakay naman kay Doc Hayden at sulsol ni jamila_topaz sa mister ni Dra. Vicki, "Doc Hayden, make it four, two girls and two boys....."
Oh, Dra. Belo, game?!!!
Aabangan namin 'yan!
Comments