Sariling tahanan at negosyo para sa kinabukasan ng pamilyang Pinoy

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | October 16, 2026

Mahalagang patuloy nating palawakin ang mga oportunidad para sa mas maraming pamilyang Pilipino ang magkaroon ng maayos, ligtas at abot-kayang tahanan.
Ito ang binigyang-diin ko noong dumalo ako sa 66th National Convention ng Philippine Association of Real Estate Boards, Inc. (PAREB) sa Davao City noong October 9. Dumalo rito ang mga real estate professionals mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Mahalaga ang trabaho ng ating mga real estate brokers, appraisers, consultants, salespersons at iba pang propesyonal sa sektor na ito. Hindi lamang ito tungkol sa pagbebenta ng lupa, bahay at iba pang ari-arian. Tumutulong din sila sa ating mga kababayan na magkaroon ng sariling tahanan, makapagsimula ng negosyo at makapagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.
Para sa isang pamilya, malaking bagay ang magkaroon ng maayos at ligtas na tahanan. Dito lumalaki ang mga anak at dito nagsisimula ang maraming plano para sa kinabukasan.
Bilang vice chairperson ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, patuloy kong sinusuportahan ang mga hakbang na makatutulong upang mas maging abot-kamay ang ligtas, maayos at abot-kayang pabahay, lalo na para sa mga mahihirap nating kababayan.
Nais nating dumating ang panahon na mas marami sa ating mga kababayan ang magkaroon ng disenteng tirahan at hindi na kailangang manirahan sa mga lugar na delikado o hindi angkop para sa kanilang pamilya. Bilang isang mambabatas, patuloy nating pagsisikapang mapabuti ang kalagayan ng ating kapwa Pilipino sa abot ng ating makakaya.
Marami akong nakikilalang pamilya sa pag-iikot ko sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nawalan ng tahanan dahil sa sunog, baha, lindol at iba pang sakuna. Kapag nawala ang bahay ng isang pamilya, malaking hamon ang magsimulang muli.
Para sa kanila, ang pagkakaroon ng maayos na tahanan ay malaking tulong upang makabangon at mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga anak.
Kaya mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagtugon sa pangangailangan sa pabahay. Malaki ang maitutulong ng karanasan at kaalaman ng mga nasa real estate industry upang makahanap tayo ng mga praktikal na solusyon sa mga problema sa pabahay at real estate regulation.
Isa sa mga panukalang inihain ko ang Senate Bill No. 1292 o proposed Real Estate Salesperson Registration Speed Act of 2025. Kung maisasabatas ito, gagawin nitong mas mabilis, mas simple at mas maayos ang proseso ng registration ng real estate salespersons.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng digital application at online tracking mechanism, at itatakda ang 15-working-day processing period para sa mga kumpletong aplikasyon. Mahalaga na habang pinananatili natin ang tamang standards sa propesyon, hindi rin mahirapan ang mga kwalipikadong aplikante dahil sa matagal at komplikadong proseso.
Kasabay ng mga repormang ito, mahalaga rin ang professionalism, integrity at ethical practices sa real estate sector. Malaking halaga ng pera at pinaghirapang ipon ng mga pamilya ang nakataya kapag bumibili sila ng bahay o lupa. Kaya mahalagang mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga propesyonal at institusyong kanilang nakakaharap.
Samantala, patuloy tayong nagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Nagpunta tayo sa Quezon City nitong October 13 para mamahagi ng tulong sa 221 na pamilyang nasunugan sa Barangay Central, katuwang ang opisina ni Congressman Bong Suntay, Councilor Migs Suntay, Brgy. Chairwoman Rosa Magpayo at iba pang mga barangay officials.
Noong nakaraang linggo, naghatid ng tulong ang ating Malasakit Team sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Boracay Island, Malay, Aklan; Talisay City, Cebu; at Tibiao, Antique. Nagpaabot din ang ating team ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa Bacoor City, Cavite; Angeles City, Pampanga; at Malolos City, Bulacan.
Bukod dito, naging katuwang natin si Rizal Governor Nina Ynares para sa educational assistance ng ilang benepisyaryo sa Antipolo City, Baras, Cardona, Morong, Pililla, Tanay, Jalajala, Teresa, Montalban, at San Mateo bilang bahagi ng ating patuloy na pagsuporta sa mga kabataang Pilipino na nagsisikap upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Bilang Mr. Malasakit, patuloy akong magseserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya, dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo ’yan sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.





Senator BONG GO magandang araw naway nasa mabuti kayong kalagayan parati, ako po ay matagal ng nangungupahan dito po sa Valenzuela, habang ako po ay nagkakaidad ay parang walang pagasa na matupad pa ang pinapangarap kung bahay para sa aking pamilya dahil sa sakto o minsan ay kulang pa sa pang renta ang aking kinikita bilang driverdriver, kaya po ako ay sumulat dito sa inyo upang bakasakaling mapansin ang aking kahilingan na magkabahay kahit hulugan sa abot ng aking makakaya na sa pagdating ng panahon ay mapapasaaking pamilya. Maraming salamat po cp#09071337608
Sana po maka sama po sa pambahay n inilaan Ang pamahalaan senior mgisa sa buhay
Need help for maintenance medicine 09185595855
Sana kami rin mabigyan ng bahay ang hirap po kasi mangupahan po
good morning sir senator go gusto po sana magkaroon ng bahay ang asawa ko fyan sa maynila pero maano po magpalista dyan sa pabahay nyo kasi dto po kami sa samar 32 yrs. na kami dto pero parang walang pagbabago sa pamumuhay naamin gusto ko mabago ang pamumuhay naamain dyan sa maynila matulungan nyo po ba kami na magkaroon ng sariling bahay duan sa maynila ito po ang number ko
099591117440 slamat po
Sana mabigyan din ng pabahay na Sarili amin na talaga nangupahan lng dto sa imus cavite CBI site thank u 09456452898