top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | October 24, 2025

Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Kaisa ako ng sambayanang Pilipino na sumusuporta sa anumang imbestigasyon hinggil sa mga anomalya sa flood control at mga ghost project. Dapat managot ang lahat ng may kinalaman sa kalokohang ito na nagpapahirap sa ating bayan. Ang taumbayan ay matagal nang naghihintay na maparusahan ang mga tunay na mastermind ng katiwalian.

Bilang inyong senador, kaisa ako ng mga Pilipino sa krusada laban sa korupsiyon. Nanawagan ako sa lahat ng imbestigador ng gobyerno — ungkatin natin ang katotohanan. Hinihikayat ko rin ang mga saksi na ilantad ang buong katotohanan. Kung malinis ang konsensya, walang dapat katakutan. Kung wala kang ginawang masama, wala kang dapat itago.

Sa buong buhay ko, lalo na bilang lingkod-bayan, lagi kong pinanghahawakan ang delicadeza. Inaalagaan ko ang aking dangal at pangalan. Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay ng ating mga kababayan. Naninindigan ako para sa pananagutan at katapatan sa serbisyo.

Hindi papayag ang mga Pilipino na malinlang o lituhin ng mga may gustong itago ang katotohanan. Kailangang magkaisa tayong lahat — mula sa karaniwang mamamayan hanggang sa pinakamataas na opisyal — para tapusin ang ganitong uri ng katiwalian.

Panahon na para managot ang mga tunay na salarin. Dapat matapos ang isyung ito nang malinaw at tapat upang makabalik ang lahat ng kawani ng gobyerno sa kanilang tunay na tungkulin, ang maglingkod nang tapat sa taumbayan.

Ngayon higit kailanman, kailangang magkaisa tayo laban sa korupsiyon. Ang laban na ito ay laban ng bawat Pilipino. Sama-sama nating ipaglaban ang katotohanan at integridad sa pamahalaan.

Samantala, bilang adopted son ng Maragondon, Cavite, personal kaming nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maragondon, sa pangunguna ni Mayor Lawrence Arca, upang magbigay ng tulong pinansyal sa 2,930 senior high school at college students noong October 16.

Noong nakaraang linggo naman, walang sawang nag-ikot ang ating Malasakit Team sa iba’t ibang komunidad upang maghatid ng karagdagang tulong. Agad nilang tinulungan ang mga biktima ng sunog sa Caloocan City.

Nagbigay din tayo ng dagdag na tulong sa mga biktima ng sunog na unti-unti nang nakakabangon sa Bacoor City, Cavite, na nakatanggap din ng tulong mula sa pambansang pamahalaan upang muling makapagsimula.

Bukod dito, namahagi rin ng tulong ang ating Malasakit Team sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagbaha sa Malita, Davao Occidental.

Sa tulong ng pambansang pamahalaan, nakapagbigay din tayo ng dagdag na tulong sa mga mahihirap na solong magulang sa Cebu City. Nagpaabot din tayo ng tulong sa mga bagong TESDA graduates sa Palawan.

Bilang lingkod-bayan, wala akong ibang hangarin kundi ang ikabubuti ng ating bansa at ang makamit natin ang hustisyang nararapat para sa bawat Pilipino. Patuloy akong makikipagtulungan sa anumang imbestigasyon at maglilingkod nang buong puso sa ating mga kababayan, sa abot ng aking makakaya — dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | October 17, 2025

Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Nitong October 3, personal nating kinamusta ang mga kababayan natin sa Cebu na nasalanta ng 6.9-magnitude na lindol noong September 30. Habang nakikidalamhati tayo sa mga kapwa natin Bisaya, lalong naging malinaw ang kahalagahan ng sapat na paghahanda bago pa dumating ang kalamidad o sakuna.

Kaya gusto kong bigyang-diin ngayon ang dalawang bagay na matagal ko nang isinusulong — ang Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act, na tayo ang principal author at co-sponsor, at ang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR) na nakapaloob sa Senate Bill No. 173, na muli nating inihain ngayong 20th Congress.

Dahil prone ang bansa natin sa kalamidad tulad ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pa, hinahangaan sa buong mundo ang tibay ng lahing Pilipino. Pero hindi katanggap-tanggap na lagi na lamang tayong sinusubok at nagtitiis sa harap ng sakuna. Kaya ipinaglalaban natin na maitatag ang DDR na kung maisasabatas ay tututok sa paghahanda, pagtugon, at rehabilitasyon. Napakahalaga ng “return to normalcy” sa lalong madaling panahon para sa kabuhayan ng napakaraming Pilipino.

Nakikiusap din tayo sa national government para sa full implementation ng Ligtas Pinoy Centers Law na mandatong magtayo ng evacuation centers sa bawat siyudad at munisipalidad. Kung maaari, unahin na ang pagtatayo nito sa strategic locations sa bansa. 

Habang nasa Cebu, masakit sa aking dibdib na makita at makasama ang maraming evacuees na sa tabing kalsada na lamang pansamantalang naninirahan. Imbes na mapunta ang pondo ng bayan sa flood control at ghost projects na ginagawang gatasan ng iilan, sana ay gawing prayoridad ang mandatory evacuation centers para maiangat natin ang dignidad ng mga Pilipinong nahaharap sa krisis.

Samantala, bago pa man ako personal na bumisita sa Cebu, noong October 1, personal din tayong nag-abot ng tulong sa 286 na biktima ng sunog sa Sampaloc, Maynila. Sa pakikipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng karagdagang tulong para makabili ng mga kailangang materyales sa muling pagpapatayo ng kanilang mga tahanan.

Nitong October 2 naman ay naghatid tayo ng tulong sa kapwa ko Dabawenyo na nasunugan din sa Brgy. 21-C, Davao City. 

Noong nakaraang linggo naman, nagpaabot din ng iba’t ibang tulong ang ating Malasakit Team sa mga kababayang nangangailangan — kasama rito ang 99 na biktima ng sunog sa Cebu City at pito sa Davao City.

Bukod pa rito, nagbigay din tayo ng karagdagang tulong sa 10 biktima ng sunog sa Lake Sebu, Surallah, at Koronadal City sa South Cotabato; 47 sa Maynila; at 70 sa Alabel, Sarangani. Sa tulong ng pambansang pamahalaan, nakatanggap din sila ng emergency housing assistance na ating sinuportahan upang makabili ng mga pako, kahoy, at iba pang materyales na kailangan para maayos nilang maipatayo muli ang kanilang mga bahay.

Nagpaabot din tayo ng karagdagang tulong, sa pamamagitan ng ating Malasakit Team, sa 375 na biktima ng pagbaha sa Zamboanga City.

Bukod dito, nagbigay din ng tulong ang Malasakit Team sa 100 mahihirap na estudyante sa Navotas City bilang educational assistance. Nakapagkaloob din tayo ng tulong sa 50 TESDA scholars sa ginanap na orientation sa Pambujan, Northern Samar.

Dahil sa dulo, mga kababayan, pareho lang naman ang dahilan ko sa bawat pagpunta sa mga lugar ng sakuna — ang magserbisyo nang may malasakit hangga’t kaya ng aking katawan at panahon. Tulad ng palagi kong sinasabi, bisyo ko na ang magserbisyo, dahil ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | October 11, 2025

RECOMMENDED
bottom of page