Sara impeachment, mauuwi sa China vs. US?!

ni Ka Ambo @Bistado | October 7, 2026

Gumagrabe ang sitwasyon.
Idinadawit na ang China sa impeachment trial.
Isa na itong “national security concern”.
----$$$--
May katotohanan o wala ang alegasyon na nagmumula mismo sa AMLAC, dapat pa rin itong imbestigahan.
Hindi ito simpleng exposé ni ex-Sen.Antonio Trillanes.
Isa itong direktang panggugulo sa seguridad ng bansa.
----$$$--
Ang impeachment trial ay nanganak na ng bagong isyu o bagong kaso.
Ang kaso ay ang panghihimasok ng China sa domestic affairs ng bansa.
Pero pinabulaanan ito mismo ng Chinese Embassy.
-----$$$--
May mga nagtatanong:
Hindi kaya isang panibagong “blunder” ito ng mga anti-VP Sara.
Hindi na kailangang dumipensa ni VP Sara—ang Chinese Embassy na mismo ang naglalabas ng opisyal na pahayag.
-----$$$--
Ang paglalabas ng AMLAC ng confidential data at expose ni Trillanes ba ay sapat na upang patunayan na nakikialam ang China sa Pilipinas?
Hindi ito simpleng isyu laban kay VP Sara, bagkus ay isyu ito ng panghihimasok ng isang superpower.
-----$$$---
KAPAG naging grabe ang sitwasyon, malalayo na ang isyu sa impeachment trial, bagkus ay lulutang na muli ang isyung China-versus-US kung saan ang Pilipinas ang aaktong gradas o boxing ring.
Iyan ang isang senaryo na posibleng lumutang.
-----$$$--
KUNG maghuhunos ang impeachment trial tungo sa China-versus-US issue, malinaw na biktima mismo si VP Sara at ang soberanya ng Pilipinas.
Puwedeng gamitin ng US ang alegasyon ng AMLAC at ni Trillanes upang direktang makialam sa Pilipinas, tulad ng naranasan ng Venezuela.
----$$$--
HINDI iyan ang delikado, bagkus ay ang nakatakdang 2028 presidential election.
Nag-iipon ng argumento at alibi ngayon, upang makansela na rin ang 2028 election tulad sa BSKE election na ipinagpaliban sa simpleng batas na pinaniniwalaang labag sa Konstitusyon.
-----$$$--
Sakaling hindi matuloy ang BSKE ngayong Nobyembre at presidential election sa 2028, sino ang mauupong pangulo sa Malacañang?
Hindi papayag ang US na isang maka-China ang magiging presidente.
------$$$--
SAKALING mabigo ang US na pigilin na maluklok ang isang pro-China sa Malacañang, hindi malayong mag-ala Ukraine ang Pilipinas kung saan, biglang naluklok ang pro-US imbes na pro-Russia.
Magsimula na tayong magdasal nang walang patid.
----$$$--
NAPAPAHAMAK ang ating bansa dahil ang mayorya ng mga botante ay pinapaboran kung sino ang may pinakamalakas na propaganda, kaysa sa katinuan ng personalidad ng kandidato.
Sa kabuuan, higit pa ring dapat sisihin ang mga botante, kaysa sa mga politikong mandarambong.
----$$$--
HINDI maluluklok sa gobyerno ang mga tulisan at talipandas, kundi aktuwal na ibinoto sa political exercise.
Iyan mismo ang kahinaan ng demokratikong proseso na minaster at nilalaro-laro ng mga politikong “walang kaluluwa”.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments