Piyansa kina Marcoleta, defensor at iba pa, ibinasura, nakupo!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 24, 2026

MASAMANG PANGITAIN KINA SEN. MARCOLETA, MIKE DEFENSOR AT SA DALAWA NILANG KAIBIGAN ANG PAG-REJECT SA KANILANG BAIL PETITION KASI INDIKASYON ITO NA MAY MATIBAY NA EBIDENSYA LABAN SA KANILA SA KASO NILANG PLUNDER— Ni-reject ng Sandiganbayan ang bail petition nina Sen. Rodante Marcoleta, former Cong. Mike Defensor at dalawang kaibigan nilang negosyante kaugnay sa kinakaharap nilang kasong plunder.
Masamang pangitain 'yan para kina Marcoleta, Defensor at sa dalawa nilang kaibigan kasi ang pag-reject ng Sandiganbayan sa hirit nilang makapagpiyansa ay indikasyong may malakas na ebidensya sa kanila kaugnay sa kaso nilang plunder, boom!
XXX
DAPAT TIGILAN NA NI SEC. JONVIC ANG PAG-AANUNSYO TUNGKOL SA MGA WANTED PARA HINDI SIYA NABABATIKOS NG PUBLIKO — Naputakti na naman ng batikos si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kaugnay sa statement niyang makakaasa raw ang publiko na may magiging magandang resulta sa paghahanap nila sa mga wanted na sina Sen. Ronald dela Rosa at gambling tycoon Charlie "Atong" Ang.
Mababatikos talaga si Sec. Jonvic sa isyung ito, kasi ang sinabi niyang ito ay nangangahulugan na alam na umano nila ang kinaroroonan nina Sen. Dela Rosa at Atong Ang at dahil sa statement niyang ito, malamang umalis na naman at nagtago na naman sa ibang lugar ang dalawang wanted.
Dapat tigilan na ni Sec. Jonvic ang pag-aanunsyo tungkol sa mga wanted para hindi siya nababatikos ng publiko, period!
XXX
CONG. ROMUALDEZ, NAKATADHANA NANG MABULOK SA KULUNGAN? — Kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla na gagawin nilang state witness si Felicito Guevarra, ang co-accused ni Leyte 1st Dist. and former Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scandal.
Dahil diyan ay wala na talagang kawala si Cong. Romualdez sa kasong plunder, talagang nakatadhana na siyang mabulok sa kulungan, boom!
XXX
DAPAT ISAPUBLIKO NI SEN. LACSON ANG PANGALAN NG MGA CONG. NA MAY DOUBLE FUNDING SA FLOOD CONTROL PARA MATIYAK ANG PAGKATALO NILA SA 2028 ELECTION — Ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na may nasilip daw sila ni Sen. JV Ejercito na double funding para sa mga flood control projects sa 2027 national budget.
Kung double funding, aba'y dobleng kickback din 'yan sa flood control projects.
Dapat isapubliko ni Sen. Lacson ang pangalan ng mga kongresistang may double funding sa flood control projects para ibasura sila ng kanilang mga constituents sa 2028 election, period!





Comments