Sana all, Janine! PAULO, TIG-2 DOZENS NG RED AT PINK ROSES ANG V-DAY GIFT KAY KIM
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 16, 2024

Hindi na hinintay ni Paulo Avelino ang Valentine’s Day dahil February 13 pa lang, binigyan na niya ng bouquet of flowers ang leading lady at nali-link sa kanyang si Kim Chiu.
Sa taping ng series nilang What’s Wrong with Secretary Kim inabot ni Paulo ang flowers sa hindi nakitang tao sa video.
Sa sumunod na clip, makikita si Kim na may hawak na malaking bouquet of red roses. Sa laki ng bouquet, hindi na nakita ang mukha ni Kim.
Ang sabi, 2 dozens ng red roses ang bigay ni Paulo kay Kim na pre-Valentine’s Day gift ng actor.
Namigay din ng single stem rose si Paulo sa female staff ng series nila ni Kim at pati beki staff, binigyan. Naaliw nga kami sa isang beki na naglupasay sa tuwa at kilig habang hawak ang bigay na rose ni Paulo.
Noon namang Valentine’s Day mismo, pinadalhan ni Paulo si Kim ng pink roses na 2 dozens din yata. Ipinost ni Kim ang bouquet pati ang kasamang note na ang nakasulat ay: “Okay lang walang boyfriend, may flowers ka naman,” na sinagot ni Kim ng “Copy po!”
Nakasulat sa card ang letter “P” na nagpadala ng bouquet na ginawa pang biro dahil baka si Piolo Pascual daw ang nagpadala, na wala namang rason.
Siguradong mas kikiligin ang ‘KimPau’ fans nina Kim at Paulo kapag umere na ang second project nila.
Nakatakda raw na ipalabas sa March ang project at ilang tulog na lang ‘yun. Ibig bang sabihin nito, tuluy-tuloy na ang paglayag ng real love team nina Paulo at Kim?





Comments