ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 17, 2024
Finally, matutupad na ang pangarap nina Sharon Cuneta at Julia Montes na magsama ulit sa isang serye. Nabanggit nila ito noong mag-guest sila sa Magandang Buhay last year.
Binigyan ng magandang tribute si Sharon ng nasabing programa ng ABS-CBN para sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon at isa sa mga surprised guests ay si Julia Montes na anak-anakan niya dahil nagkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano at mag-ina ang karakter nila.
Nabanggit nga ng dalawang aktres na sana, magkaroon sila ng isa pang seryeng magkasama dahil medyo nabitin sila sa Ang Probinsyano lalo't nawala nga naman agad si Julia sa kuwento habang si Sharon ay naniniwalang buhay pa ang anak na inilayo sa kanya.
Anyway, excited ang mga supporters nina Shawie at Julia at hinihintay nila kung kailan ito iaanunsiyo ng Dreamscape Entertainment na siyang magpo-produce ng serye.
Ini-repost ng Solid Shawie fan page ang post ng official na larawan nina Sharon at Julia na ang caption ay: “THE MEGA COMEBACK!
“SCOOP: Julia Montes at Sharon Cuneta pasabog ang comeback sa isang bigating Kapamilya serye under Dreamscape Entertainment!”
Hindi pa kumpleto ang detalyeng nakuha namin mula sa taga-Kapamilya pero sinabing kasama rin sa serye si Sam Milby.
Kung hindi magbabago ay reunion drama series ito nina Sam at Julia na nagkasama noong 2015 hanggang 2017 sa Doble Kara na umabot ng Season 6 at handog din ng Dreamscape Entertainment.
Nasampulan ng aktor sa taping… MITCH, IBINUKING ANG UGALI NI COCO
Natulala si Maya o Mitch Valdez kay Coco Martin dahil nakaya nitong pagsabayin ang pagdidirek at pag-i-internalize.
Sa segment na Pick A Name sa vlog ni Snooky Serna sa YouTube ay nakuha ni Mitch ang pangalan ni Coco.
Sey ng beteranang aktres, “When my first few days shooting in Ang Probinsyano I hadn't done a teleserye or a TV show for about a decade until Probinsyano. He (Coco) was directing some days, he was writing some days, and he’s an actor, so, can you imagine all those hats na suot n’ya?
“‘Yung bahay ni Lola Susan Roces, nandu’n sa itaas, tapos nandu’n kami (sa ibaba) na may ambulansiya na inilalabas ‘yung anak niyang pinatay (namatay sa pagsabog ng bomba), tapos nag-i-internalize na siya kasi ‘yung anak niya, inilalabas na, so kailangan, lumuluha na s’ya.
“Tapos sabi n’ya, ‘yung drone (camera), kunin n’yo pagdating nu’ng ano, aakyat ‘yung drone at lalabas si lola at pagkatapos doon, baba ‘yung drone, ha?’
“Naka-ganu’n ako (nakanganga), hindi nawala ‘yung internalization pero nagdidirek.”
Habang ikinukuwento ito ni Mitch ay tawa naman nang tawa si Snooky dahil nai-imagine niya kung paano ang eksenang iyon kaya lalo silang bilib sa aktor/direktor at producer.
Hinangaan at naloka rin si Mitch sa ating National Artist at Superstar na si Nora Aunor na nakaeksena niya sa pelikulang Bulaklak ng City Jail nu’ng 1984 na idinirek ni Mario O’Hara.
Balik-tanaw ni Mitch,“When you did movies and the set is like that and we were shooting inside the Pasig City Jail talaga, I can remember the smell and the despair because all those people on that jail, wala pang trial.
“At itong si Nora Aunor pala, napaka-realistic na ‘yung eksena na ginulpi n’ya ako in the end, talagang ginulpi n’ya ako, pasa-pasa ako (ipinakita ang video).
“Ate, talagang ikaw ‘yun (akala may dobol)?” tanong ni Snooky.
“Oo, ako, Ate Guy. Ha, ha, ha, ha!” sambit ng premyadong aktres.
After the shoot ay naging okay ba sina Nora at Mitch?
“Who doesn’t become good friends with Nora?” halakhak na tugon nito kay Snooky.
Samantala, maraming artista at mostly directors ang ibinuking ni Mitch sa vlog ni Snooky kaya walang ginawa ang dalawa kundi tumawa nang tumawa.
Sabi nga ni Mitch, “Do not take us seriously when we complain about our job because at the end of the day, we cry if we don’t have a job and we are grateful that the audience is there. Paki-edit lang para may career pa ako after.”
תגובות