top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Sakay ng van, papuntang iskul... Principal niratrat, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 19, 2026



Ang kinilalalng si Dr. Dionel Villavito Mahusay, Ed.D., principal ng Datu Pendililang Piang Elementary School sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur - Circulated

Photo: Ang kinilalang si Dr. Dionel Villavito Mahusay, Ed.D., principal ng Datu Pendililang Piang Elementary School sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur - Circulated



Patay ang isang punong-guro matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, Miyerkules ng umaga.


Kinilala ni PLt. Mohammad U. Ali ang biktima na si Dr. Dionel Villavito Mahusay, Ed.D., principal ng Datu Pendililang Piang Elementary School.


Nagmamaneho ang biktima ng kanyang minivan patungo sa paaralan nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek alas-7:30 ng umaga.


Nabatid na may 10 tama ng bala ang minivan, partikular sa bahagi ng driver's side.

Ayon kay Ali, tinatayang 50 metro lamang ang layo ng pinangyarihan ng pamamaril mula sa bahay ng biktima.


Hindi na naabutan ng mga rumespondeng pulis ang bangkay ng biktima sa pinangyarihan ng krimen dahil agad na itong dinala ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan.


Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga salarin habang patuloy naman ang pangangalap ng ebidensya ng mga imbestigador.


Patuloy ding inaalam ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page