Style ng pagkanta ni Stell, pasabog din… PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19

ni Beth Gelena @Bulgary | November 19, 2026

Photo: IG _officialSB19
Hindi lang mga Pinoy ang napasabay sa indak ng SB19 kundi maging ang mismong Prime Minister ng Timor-Leste na si Kay Rala Xanana Gusmão, na naging isa sa mga tampok na eksena sa closing ceremony ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Hindi lang basta nanood, napasayaw pa sa tugtugin ng P-Pop boy group ang lider ng Timor-Leste habang itinatanghal ang Together in Motion, ang opisyal na theme song ng naturang summit.
Agaw-pansin ang masayang eksena dahil mismong isang mataas na opisyal ng ASEAN member-state ang nakisabay sa selebrasyon ng musikang Pinoy.
Hindi naman daw ito ang unang pagkakataong ipinakita ni Gusmão ang hilig sa pagsasayaw dahil mula pa sa kanyang pagdating sa Pilipinas noong Nobyembre 14 ay ilang beses na siyang nakitang nakikisaya sa mga cultural presentations.
Pero hindi lang ang kakaibang eksena ng Prime Minister ang pinag-usapan sa pagtatapos ng summit.
Kasama rin ng SB19 sa makulay na pagtatanghal sina OPM icon Gary Valenciano at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, na kapwa nagdagdag ng ningning sa musical presentation sa Philippine International Convention Center (PICC).
Dalawang kanta ang inihatid ng SB19, kabilang ang kanilang hit na Gento at ang Together in Motion. Sa harap ng mga lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia, muling ipinamalas nina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin ang lakas ng P-Pop sa international stage.
Hindi rin nakaligtas sa papuri ng mga fans ang singing performance ni Stell Ajero, partikular ang tinawag nilang Filipino throat chakra moment na lalong nagpasabik sa mga nanood.
Bago tuluyang magtapos ang programa, nagbigay rin ng mensahe si Pablo tungkol sa kahalagahan ng kultura, pagkakaisa, kapayapaan at pag-asa.
“Let’s honor our heritage, celebrate the spirit that unites us, and build the future rooted in peace and hope. Together, let us create a brighter and stronger for every Filipino and every ASEAN nation. Moving forward, together in motion,” pahayag ng SB19 leader.
Samantala, hindi napigilan ng A’TIN (fans ng SB19) at iba pang manonood na ilabas ang kanilang matinding paghanga sa naging performance ng grupo.
Sey ng mga fans:
“GOOSEBUMPS + LITERAL NA I’M BURSTING INTO TEARS RIGHT NOW WHILE WATCHING SA CLOSING LIVESTREAM ASEAN SUMMIT 2026!”
“Goosshh?!! Seeing @officialsb19 performing TOGETHER IN MOTION with Sir Gary V, Miss Julie Ann, the Dance Ensemble, the ASEAN band crew, specially with the President of Timor Leste joining in at the ending part of the song is the bomb! Kitang-kita ko kung gaano ka-happy at ka-proud maging PINOY ang SB19! Sobrang nakakaiyak!”
Para sa iba, hindi lang ang presensiya ng grupo sa naturang pagtitipon ang kahanga-hanga kundi ang sunud-sunod na tagumpay nila.
Sey ng isang fan, “Super-proud of you, SB19! Three major milestones in just one week from Coachella, a Grammy nomination, and closing the 49th ASEAN Summit!”
Isa na namang hindi malilimutang pagkakataon ito para sa SB19 dahil bukod sa nakapag-perform sila sa harap ng mga lider ng Southeast Asia, naging bahagi pa sila ng isang okasyong nagpakita ng pagkakaisa sa pamamagitan ng musika.
Lalong naging makabuluhan ang kanilang paglahok matapos nilang makuha ang nominasyon sa 2027 Grammy Awards para sa Best Asian Pop Music Performance para sa kanta nilang VISA.
Kasama rin sa nominasyon sa naturang kategorya ang P-Pop girl group na BINI para sa Unang Kilig.
Sa huli, hindi lang palakpakan ang iniuwi ng SB19 sa closing ceremony. May isang Prime Minister pang napasayaw sa kanilang musika!
James at Issa, nandu'n din…
BF NI NADINE, BITBIT SA PARTY, SHOWBIZ NA SHOWBIZ NA
Unti-unti na ring pinapasok ni Christophe Bariou ang showbiz dahil sa girlfriend na si Nadine Lustre. Kamakailan ay bitbit siya ng award-winning actress sa special na okasyon ng isang prestihiyosong magazine. Well, makikitang at ease ito.
Hindi lamang siya basta kasama ng aktres dahil mayroon ding sariling personalidad at mga gawaing kinikilala sa social circles si Christophe.
Aba, marunong na rin siyang sumakay sa mundo ng showbiz.
May post siya sa kanyang Instagram (IG) na, “A little serpent on my lapel that night (snake & sparks emoji).”
Ang tinutukoy niya ay ang serpent o snake-shaped accessory/brooch na ikinabit sa kanyang damit noong gabing dumalo sila sa Tatler event.
Hindi ito nangangahulugang may patama siya sa isang tao o may masamang ipinahihiwatig.
May nagkomento na, “I bet y’all saw a serpent that night too in person.”
Tila may ibig namang tukuyin ang commenter, dahil that night din ay dumalo sa event ang ex ni Nadine na si James Reid kasama ang kasalukuyang dyowa nito na si Issa Pressman.
Walang kumpirmasyon kung nagkita ang dating magkasintahan sa nasabing okasyon.





Comments