top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Drone attack sa Black Sea... Barkong may sakay na 19 Pinoy, sapul

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 19, 2026



LPG tanker ship na sakay ang mga Pinoy seafarer - French Armed Forces - Circulated

Photo: LPG tanker ship na sakay ang mga Pinoy seafarer - French Armed Forces - Circulated



Nasagip ang 19 Pilipinong tripulante ng isang barkong may kargang liquefied petroleum gas (LPG) matapos itong tamaan habang naglalayag sa Black Sea, malapit sa baybayin ng Bulgaria, nitong Martes, Nobyembre 17.


Ayon sa mga awtoridad ng Bulgaria, ang barkong Gas Husky ay may dalang 3,400 toneladang LPG mula Egypt patungong Romania nang mangyari ang insidente.


Nawala umano sa radar ang barko bago nagpadala ng distress signal, dahilan upang magsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad.


Hindi pa natutukoy kung ano ang tumama sa barko, sa gitna ng mga naitalang drone attack sa Black Sea na iniuugnay sa digmaan sa Ukraine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page