May integrity and substance raw... Marcos, powerful leader — Trump

ni Mylene Alfonso @News | November 19, 2026

Photo: Magkasabay na naglakad sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Donald Trump sa red carpet para sa welcome ceremony sa Malacañang. (Mylene Alfonso)
Pinuri ni US President Donald Trump si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inilarawan bilang isang makapangyarihang lider na may mataas na integridad, paninindigan at kakayahan.
Sa kanyang pahayag sa social media nitong Miyerkules, Nobyembre 18, matapos ang pagbisita sa Pilipinas, sinabi ni Trump na isang karangalan ang makasama si Marcos at ang pamilya nito.
“President Marcos is a powerful leader, and a man of high integrity and substance. It was an Honor to be with him, and his beautiful wife and son,” saad ni Trump.
Pinasalamatan din niya ang Pangulo sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Maynila at pinuri ang naging pagpupulong ng dalawang lider hinggil sa kalakalan, pambansang seguridad at iba pang usapin.
Ibinida rin ni Trump ang pagkakabuo ng panibagong kasunduang pangkalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos na tinawag niyang isang makasaysayang kasunduan.
Aniya, inaasahang makikinabang dito ang mga magsasaka at sektor ng enerhiya.





Comments