top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Trump, walang paki sa gulo sa WPS

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 19, 2026



Donald Trump sa ASEAN - PCO

Photo: Donald Trump sa ASEAN - PCO



Hindi nababahala si US President Donald Trump sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS) at tiniyak na maaaksyunan ang usapin sa gitna ng matibay na alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas.


“I’m not concerned at all. I’m not concerned about that at all. That’ll be taken care of,” pahayag ni Trump nang tanungin ng isang mamamahayag kung gaano siya nababahala sa tensyon sa karagatan at kung gaano kahanda ang Amerika na tumugon sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng dalawang bansa.


Binigyang-diin naman ni Marcos na ang Estados Unidos ang nag-iisang treaty ally ng Pilipinas, habang ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang 80 taong diplomatic relations at 75 taon ng kanilang alyansa sa ilalim ng MDT.


Ayon kay Trump, lalo pang lumalakas ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa.


Ibinida rin niya ang pagtaas ng US foreign military financing para sa Pilipinas at ang pag-apruba sa mahigit US$5 bilyon o tinatayang P250 bilyong halaga ng bentahan ng armas mula nang maupo siya sa puwesto.


“America stands with the Filipino people just as we have for generations. We’ve been your ally, but not as close as it is now,” ani Trump.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page