top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &
Search

ni Janice Baricuatro @News | September 28, 2026



Pinagtulungan ng 3... 61-anyos, kinatay dahil sa selos

Photo: File



Nasawi ang isang 61-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng isang suspek habang hawak ng dalawa pa nitong kasama ang biktima dahil umano sa selos, kamakalawa sa Brgy. Queensrow Central, Bacoor City, Cavite.


Kinilala ang biktima sa alyas Danilo, 61, residente ng lugar. 

Ang pangunahing suspek naman ay si alyas Kalbo, habang kasama nito sina alyas Richard, 38, at Josie, na umano’y karelasyon ni Kalbo.


Alas-4:30 ng hapon nang magtalo sina Danilo at Kalbo dahil umano sa hinalang may gusto ang biktima kay Josie. Sa gitna ng pagtatalo, bumunot ng patalim si Kalbo habang hinawakan naman umano nina Richard at Josie ang biktima bago ito pagsasaksakin.


Matapos ang insidente, mabilis na sumakay sa motorsiklo ang tatlo at tumakas.

Hindi na naisalba ang biktima sa pagamutan. Sa follow-up operation ng Bacoor Police, naaresto si Richard habang patuloy na tinutugis sina Kalbo at Josie.

 
 

by Mai Ancheta @News | September 20, 2026



11-anyos na babae, kinatay ng nanay

Photo: FP



Patay na nang datnan ng ama ang 11-anyos na anak na babae sa kanilang bahay na may malaking sugat sa leeg sa Oton, Iloilo.


Batay sa ulat, nagtungo sa sakahan ang ama at tanging naiwan sa kanilang bahay ang asawa at dalagitang anak.


Pag-uwi sa kanilang bahay ay nadatnan na lamang ang anak na wala nang buhay at wala rin ang asawa na umano'y umuwi sa kanyang pamilya.


Pag-alis ng kanilang bahay, sinabi umano ng ina na wala na ang kanilang anak.

Isinuko ng mga kaanak ang ina sa pulisya at sa ginawang pagtatanong ay hindi umano inamin ang krimen at napansin ng imbestigador na hindi nagtutugma ang kuwento ng suspek.


Ayon kay PLt. Norbert Sipole, hepe ng Oton Police, kung may ganitong krimen, lalo na at anak ang sangkot, dapat ang unang gagawin ay humingi ng saklolo na hindi ginawa ng ina, bagkus ay umalis ito ng bahay.


Sinabi ng ama ng biktima na may problema umano sa kalusugan ang kanyang asawa matapos makunan nang dalawang beses.


Wala pang desisyon ang ama ng dalagitang nasawi kung sasampahan ng kaso ang kanyang asawa.

 
 

by Mai Ancheta @News | September 19, 2026



Stepfather kinagat ang 2 anyos na bata - Circulated

Photo: Circulated



Patay na nang datnan ng 22-anyos na ina ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki sa Brgy. Tisa, Cebu City.


Batay sa imbestigasyon ng Cebu City Police, inakala ng inang si alyas Tin, na natutulog lamang ang anak na nakatakip ng kumot hanggang dibdib, kaya ginising niya ito, subalit hindi nagising ang bata.


Dito na umano napansin ng ina na hindi na humihinga ang kanyang anak, kaya agad na dinala sa Cebu City Medical Center kung saan idineklara ang bata na wala nang buhay.


Ayon sa ginang, iniwan niya sa kanyang live-in partner na si "Lyle," 37, ang kanyang anak para magtrabaho, subalit hindi niya inakalang patay na madadatnan ang anak.


Wala na sa kanilang bahay ang kinakasama at nag-text na humihingi ng "sorry".

Ayon kay Police Captain Meryl Causin, may mga sugat sa katawan at ulo ang bata na ayon sa ina ay mula sa kagat umano ng kanyang kinakasama bilang paraan ng pagdidisiplina sa kanyang anak.


Sa follow-up operations ay nahuli ang suspek at itinanggi niyang sinaktan ang nasawing biktima.


Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy sa katawan ng bata, subalit sa paunang pagsusuri, hemorrhage at tama sa ulo ang nakita sa biktima.

Kasong murder ang kinakaharap ng suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page