Sablay na statement ni Usec. Castro, nagbunga ng 'state of national energy emergency'
- BULGAR

- Mar 26
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 26, 2026

KUNG ‘DI PA SUMABLAY ANG STATEMENT NI USEC. CASTRO, ‘DI PA PALA MAGDEDEKLARA NG 'STATE OF NATIONAL ENERGY EMERGENCY' SI PBBM – Matapos mabatikos si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) spokesperson Usec. Claire Castro na walang oil crisis sa bansa, agad na nagdeklara ang Pangulo ng “state of national energy emergency.”
Kung hindi pa nagkamali ang naturang pahayag at umani ng batikos, tila hindi pa agad magdedeklara ng ganitong hakbang ang Pangulo. Tsk!
XXX
SI VP SARA ANG KAUNA-UNAHANG NAGDEKLARA NA KAKANDIDATO SIYA SA PAGKA-PRESIDENTE, KAYA SABLAY ANG STATEMENT NIYANG PINUPULITIKA LANG SIYA – Ang idinahilan ni Vice President Sara Duterte sa hindi niya pagdalo sa unang araw ng imbestigasyon sa kinakaharap niyang dalawang impeachment case ay ang umano’y pamumulitika ng mga miyembro ng House Justice Committee.
Gayunman, umani ng batikos ang kanyang pahayag, dahil para sa ilan, tila hindi ito sapat na dahilan at lalo lamang nagpasiklab ng usapin sa social media. Period!
XXX
SA PANINGIN NG MUNDO, BAD NA PAREHONG LAGAPAK ANG RATING NINA PBBM AT VP SARA – Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia Research, Inc., parehong bumaba ang rating nina PBBM at VP Sara Duterte.
Ayon sa resulta, ang pagbaba ng rating ni PBBM ay iniugnay sa hindi agarang pagpapanagot sa mga opisyal na sangkot umano sa flood control scandal. Samantala, kay VP Sara naman, ang isyu ng confidential funds at ang kakulangan sa paliwanag dito ang sinasabing nakaapekto sa kanyang rating.
Ipinapakita ng survey na kapwa naapektuhan ang tiwala ng publiko sa dalawang matataas na opisyal ng bansa. Boom!
XXX
SABLAY ANG PABIDA NI SEN. LOREN LEGARDA SA OIL CRISIS KASI NGAYON LANG SIYA NAGBIDA-BIDA GAYUNG MATAGAL NANG NANAWAGAN NA I-ABOLISH ANG OIL DEREGULATION – Umani ng batikos sa social media ang naging pagtatanong ni Sen. Loren Legarda kay Sec. Sharon Garin ng Department of Energy (DOE) hinggil sa isyu ng oil crisis sa bansa.
Ayon sa ilang kritiko, tila huli na ang atensyon sa isyu dahil matagal nang isinusulong ng transport groups ang panawagang amyendahan o alisin ang oil deregulation. Gayunman, ngayon lamang ito muling nabigyang-diin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at atensyon ng publiko sa usapin. Period!



Comments