top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Sablay ang pakikialam ni Usec. Castro sa panloob na gusot ng mga senador sa Senado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 28, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAKIKIALAM NI USEC. CASTRO SA PANLOOB NA GUSTO NG MGA SENADOR SA SENADO, SABLAY! — Sablay umano ang pakikialam ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Spokesperson Claire Castro sa panloob na gusot ng mga senador.

Ito ay matapos sabihin ni Castro na wala namang kalamidad na maaaring maging basehan upang i-justify ang online voting sa Senado. Para sa ilan, hindi na umano dapat siya nagbigay ng ganitong pahayag dahil magkahiwalay ang kapangyarihan ng executive branch na kanyang kinabibilangan at ng legislative branch na kinabibilangan naman ng mga senador.


Dahil dito, napapaisip tuloy ang publiko kung may kinalaman umano ang Malacañang sa pagharang ng minority senators sa kagustuhan ng majority senators na payagan ang video conferencing o teleconferencing para sa mga senador na hindi personal na makakadalo sa mga sesyon at botohan sa Senado. Boom!


XXX


KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA SI SEN. JINGGOY, ISASAILALIM DIN KAYA SIYA NI SP CAYETANO SA PROTECTIVE CUSTODY NG SENADO? — Inaasahang ihahain ngayong araw sa Ombudsman ang mga kasong plunder, malversation, indirect bribery, at graft laban kay Sen. Jinggoy Estrada. Dahil dito, inaasahan ding maaaring sumunod ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa senador.


Kaya naman, usap-usapan ngayon kung isasailalim din kaya ni Senate President Alan Cayetano si Sen. Jinggoy sa protective custody ng Senado, tulad umano ng ginawa nito kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Abangan!


XXX


PANAWAGAN NI SEN. LITO LAPID NA MAGKAISA ANG MGA SENADOR, DAPAT SUNDIN KASI KUNG PATULOY NA MAGBABANGAYAN, LALONG BABANTOT ANG IMAHE NG SENADO — Matapos pabulaanan ni Sen. Lito Lapid ang kumalat na isyu sa social media na umano’y lumipat na siya sa Senate majority at iginiit na mananatili siya sa Senate minority, nagbigay naman siya ng pahayag na umani ng papuri mula sa publiko.


Ayon kay Lapid, dapat nang magkaisa muli ang mga senador at tigilan na ang bangayan upang maibalik ang dangal ng institusyon ng Senado.


Marami ang humanga sa naging pahayag ng senador, ngunit kung hindi ito pakikinggan ng kanyang mga kapwa mambabatas at magpapatuloy pa rin ang kanilang alitan, asahan nang lalo pang masisira ang imahe ng Senate of the Philippines. Period!


XXX


MALAMANG DOBLENG SAKIT-ULO NGAYON ANG NARARAMDAMAN NI SEN. PADILLA KASI POSIBLENG BUKOD SA DOJ, MAKAKASUHAN DIN UMANO SIYA NG OBSTRUCTION OF JUSTICE SA ICC — Matapos sabihin ni Atty. Kristina Conti, isa sa mga abogado ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK), na posibleng kasuhan ng obstruction of justice ng International Criminal Court (ICC) si Sen. Robin Padilla kaugnay ng umano’y pagpapatakas kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na noon ay nasa protective custody ng Senado, inanunsyo naman ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsasampa rin sila ng kasong obstruction of justice laban sa senador sa Department of Justice (DOJ).


Bagama’t hindi man aminin, tila dobleng sakit ng ulo ngayon para kay Sen. Padilla ang isyu dahil posibleng humarap siya sa dalawang kasong obstruction of justice — isa sa DOJ at isa pa sa ICC. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page