Sa pagsasabong sa kanila ni Heart… PIA: AYOKO NA NG KOMPETISYON
- BULGAR
- 8 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 20, 2025
Photo: Pia Wurtzbach at Heart Evangelista - IG
Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ikinagulat din niya na tila nagkaroon na ng kompetisyon sa fashion industry.
Sa kanyang panayam sa Preview.Ph bilang covergirl ng May issue nito, diretsong sinabi ng beauty queen/influencer na hindi niya inakalang magiging numbers game ang fashion world.
“I was surprised and a little bit taken aback, honestly,” aniya.
Sey pa niya, “I didn’t want this to be a competition. No, I didn’t want it to be.”
Aniya ay galing na siya sa (beauty) competition at ayaw na raw niyang madagdagan pa.
“Like, come on, I just came from a competition a couple of years ago, I don't want to be in another one,” sey niya.
As we all know, 2 years ago ay pinasok na ni Pia ang mundo ng fashion, attending different international fashion weeks. Kaagad umingay ang pangalan niya sa fashion industry at napabilang sa listahan ng mga top influencers.
Kasabay din nito ay ang tila pagkakaroon ng comparison sa pagitan nila ni Heart Evangelista na matagal na ring nasa fashion industry.
Ang mga netizens at fans na rin nila mismo ang naglagay ng kompetisyon sa pagitan nila.
Nito lang nakaraang Marso, sina Pia at Heart Evangelista ang nanguna as the most influential celebrities in this year’s Paris and Milan Fashion Weeks based on Media Impact Value (MIV).
Base sa inilabas na release ng Launchmetrics, nanguna si Heart as the Top Celebrity, landing in the No. 1 spot in the 2025 overall landscape ranking of Milan Fashion Week habang pumapangalawa naman si Pia.
INANUNSIYO ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang bago nitong proyekto na TikTok (TT) Video Competition na puwedeng salihan ng ating mga artista, vloggers, influencers, content creators at kahit na simpleng tao.
Naging panauhin sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery ang newly-elected president ng FFCCCII na si Victor Lim kasama ang iba pang officers last Friday para magbigay ng detalye tungkol sa bagong proyektong ito.
Ang TikTok Video Competition ay bukas sa lahat ng Filipino youth, ages 18-35.
Ang video entry ay kailangang may habang 1-2 minutes, nasa MP4 format na may mga English subtitle na tutuon sa relasyon ng Pilipinas-China, kabilang ang mga personal/komunidad na kuwento, kultural na koneksiyon o mga pananaw para sa mas matatag na bilateral na ugnayan.
Hinihikayat ni Lim ang mga kabataang Pinoy na lumahok.
Sey niya, “Ito na ang iyong pagkakataon para ipagdiwang ang ating ibinahaging kasaysayan sa pamamagitan ng pagkamalikhain. Hayaan ang iyong mga video sa TikTok na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at ipakita ang masiglang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at China.”
Layunin ng TT Video Competition na hikayatin ang mga kabataang Filipino na mag-focus sa milestone, kuwento at mga hangarin sa hinaharap ng makasaysayang relasyon ng Pilipinas at China.
Kailangang i-upload ang video sa TikTok gamit ang hashtag na #PHChina50Years at i-tag ang @ffcccII.official. Magrehistro at magsumite ng mga entry hanggang Mayo 27 sa pamamagitan ng opisyal na QR code (na matatagpuan sa mga poster ng FFCCCII).
Ang mga mananalo ay iaanunsiyo sa June 8 at ang magwawagi ay magkakamit ng:
1st Prize, P100,000 thousand; 2nd Prize, P50,000 thouzand; 3rd Prize, P30,000 thousand; 10 Consolation Prizes na P10,000 thousand bawat isa; at 3 Special Citations, P20,000 thousand bawat isa.
Comments