top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 21, 20255



Photo: Coco Martin at Julia Montes - IG


Sweet-sweet-an at holding hands in public ang magdyowang Coco Martin at Julia Montes sa ginanap na Aling Puring Convention 2025 ng Puregold sa World Trade Center nu'ng Biyernes, May 16.


“Inaalalayan ko, baka mawala, eh,” natatawang sabi sa amin ni Coco kaya natawa rin si Julia.


Parang wala naman nang itinatago ang dalawa sa relasyon nila lalo't game na game pa silang nakikipag-selfie sa mga fans.


Dumating sina Coco at Julia sa Aling Puring Convention 2025 bilang suporta sa kaibigang si Vincent Co ng Puregold.


Nang makausap namin sandali sina Coco at Julia, tinanong namin ang aktor kung posible pa bang ibalik ang karakter ni Sen. Lito Lapid sa Batang Quiapo ngayong tapos na ang eleksiyon.


Aniya, hindi na makakabalik ang karakter ni Sen. Lito as Supremo dahil dead na ito.

When asked naman if may gagawin uli siyang entry for MMFF 2025 at kung sino ang dream niyang makasama, ani Coco, sa hirap kumita ng mga sinehan ngayon, mas dapat munang isipin ang magiging istorya kesa sa makakasama niya.


Meron din naman daw offer na magsama sila ni Julia sa isang movie pero sa ngayon, busy pa sila sa kani-kanilang project.


Tinanong din namin ang CocoJuls kung kailan naman magle-level-up ang kanilang relasyon. Meaning, kailan na nga ba talaga ang kasal?


Natatawang sagot ni Coco, “Thank you,” sabay paalam nang aalis.

‘Yun lang! Hahaha!!! 



NORANIAN pala ang newly-elected president ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na si Mr. Victor Lim kaya isa ang organisasyon ng mga Fil-Chinese sa mga nagpaabot ng pakikiramay kay Superstar Nora Aunor.


Hanga si Mr. Lim sa mga achievements ni Ate Guy bilang Superstar at National Artist at wala naman daw kuwestiyon du'n.


At kauupo pa lang ni Mr. Lim, may bago na silang project sa FFCCCII, ang TikTok (TT) Video Competition na puwedeng salihan ng mga artista, vloggers, influencers, content creators at kahit na simpleng tao.


Naging panauhin sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery ang bagong president ng FFCCCII kasama ang iba pang officers last Friday para magbigay ng detalye tungkol sa bagong proyektong ito.


Ang TikTok Video Competition ay bukas sa lahat ng Filipino youth, ages 18-35.

Ang video entry ay kailangang may habang 1-2 minutes, nasa MP4 format na may mga English subtitle na tutuon sa relasyon ng Pilipinas-China, kabilang ang mga personal/pang-komunidad na kuwento, kultural na koneksiyon o mga pananaw para sa mas matatag na bilateral na ugnayan.


Hinihikayat ni Lim ang mga kabataang Pinoy na lumahok. 

Layunin ng TT Video Competition na hikayatin ang mga kabataang Filipino na mag-focus sa milestone, kuwento at mga hangarin sa hinaharap ng makasaysayang relasyon ng Pilipinas at China.


Kailangang i-upload ang video sa TikTok gamit ang hashtag na #PHChina50Years at i-tag ang @ffcccII.official. Magrehistro at magsumite ng mga entry hanggang Mayo 27 sa pamamagitan ng opisyal na QR code (na matatagpuan sa mga poster ng FFCCCII).


Ang mga mananalo ay iaanunsiyo sa June 8 at ang magwawagi ay magkakamit ng:

1st Prize, P100,000 thousand; 2nd Prize, P50,000 thouzand; 3rd Prize, P30,000 thousand; 10 Consolation Prizes na P10,000 thousand bawat isa; at 3 Special Citations, P20,000 thousand bawat isa.


G na g ‘yan sa kanya…

GUWAPONG PUBLIC SERVANT, PINUPUNTAHAN SA BAHAY NG MAY BF NA SINGER AT HIWALAY SA MISTER NA SEXY ACTRESS PARA MAGDYUG


BLIND ITEM:

KAKAIBA pala ang tinik sa babae ng isang public servant na anak ng sikat na aktor.

‘Di naman kataka-taka, guwapo at mestizo si Mr. Public Servant (PS), bukod sa super rich ang pamilya nito. 


Ang siste, may katamaran si Mr. PS kaya bad shot lagi ito sa daddy niya. Kaya naman, mas gusto nitong mag-stay sa dating bahay nila kesa makasama ang pamilya sa kasalukuyan nilang tinitirhan.


Heto na, dahil guwapo at mestizo nga si Mr. PS, ang daming girlalu na dead na dead sa kanya at kasama na rito ang dalawang sexy actresses.


Si Sexy Actress No. 1 (SA1), singer na misis na ngayon ng singer-actor. Nakatikiman ito ni Mr. PS nu'ng binata pa siya. Si SA1 pa ang patagong pumupunta sa bahay ni Mr. PS habang BF pa lang niya noon ang singer-actor.


Si Sexy Actress No. 2 (SA2) naman, kapatid ng isang aktres at ngayon ay hiwalay na sa

mister.


Patago rin ang naging relasyon at tikiman moments nila ni guwapong Mr. PS.

Pero ngayon ay may kani-kanya na silang buhay kaya it's all in the past, ‘ika nga.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 20, 2025



Photo: Pia Wurtzbach at Heart Evangelista - IG



Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ikinagulat din niya na tila nagkaroon na ng kompetisyon sa fashion industry.


Sa kanyang panayam sa Preview.Ph bilang covergirl ng May issue nito, diretsong sinabi ng beauty queen/influencer na hindi niya inakalang magiging numbers game ang fashion world.


“I was surprised and a little bit taken aback, honestly,” aniya. 


Sey pa niya, “I didn’t want this to be a competition. No, I didn’t want it to be.”


Aniya ay galing na siya sa (beauty) competition at ayaw na raw niyang madagdagan pa.

“Like, come on, I just came from a competition a couple of years ago, I don't want to be in another one,” sey niya.


As we all know, 2 years ago ay pinasok na ni Pia ang mundo ng fashion, attending different international fashion weeks. Kaagad umingay ang pangalan niya sa fashion industry at napabilang sa listahan ng mga top influencers.


Kasabay din nito ay ang tila pagkakaroon ng comparison sa pagitan nila ni Heart Evangelista na matagal na ring nasa fashion industry.


Ang mga netizens at fans na rin nila mismo ang naglagay ng kompetisyon sa pagitan nila.


Nito lang nakaraang Marso, sina Pia at Heart Evangelista ang nanguna as the most influential celebrities in this year’s Paris and Milan Fashion Weeks based on Media Impact Value (MIV).


Base sa inilabas na release ng Launchmetrics, nanguna si Heart as the Top Celebrity, landing in the No. 1 spot in the 2025 overall landscape ranking of Milan Fashion Week habang pumapangalawa naman si Pia.



INANUNSIYO ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang bago nitong proyekto na TikTok (TT) Video Competition na puwedeng salihan ng ating mga artista, vloggers, influencers, content creators at kahit na simpleng tao.


Naging panauhin sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery ang newly-elected president ng FFCCCII na si Victor Lim kasama ang iba pang officers last Friday para magbigay ng detalye tungkol sa bagong proyektong ito.


Ang TikTok Video Competition ay bukas sa lahat ng Filipino youth, ages 18-35.


Ang video entry ay kailangang may habang 1-2 minutes, nasa MP4 format na may mga English subtitle na tutuon sa relasyon ng Pilipinas-China, kabilang ang mga personal/komunidad na kuwento, kultural na koneksiyon o mga pananaw para sa mas matatag na bilateral na ugnayan.


Hinihikayat ni Lim ang mga kabataang Pinoy na lumahok. 


Sey niya, “Ito na ang iyong pagkakataon para ipagdiwang ang ating ibinahaging kasaysayan sa pamamagitan ng pagkamalikhain. Hayaan ang iyong mga video sa TikTok na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at ipakita ang masiglang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at China.”


Layunin ng TT Video Competition na hikayatin ang mga kabataang Filipino na mag-focus sa milestone, kuwento at mga hangarin sa hinaharap ng makasaysayang relasyon ng Pilipinas at China.


Kailangang i-upload ang video sa TikTok gamit ang hashtag na #PHChina50Years at i-tag ang @ffcccII.official. Magrehistro at magsumite ng mga entry hanggang Mayo 27 sa pamamagitan ng opisyal na QR code (na matatagpuan sa mga poster ng FFCCCII).


Ang mga mananalo ay iaanunsiyo sa June 8 at ang magwawagi ay magkakamit ng:

1st Prize, P100,000 thousand; 2nd Prize, P50,000 thouzand; 3rd Prize, P30,000 thousand; 10 Consolation Prizes na P10,000 thousand bawat isa; at 3 Special Citations, P20,000 thousand bawat isa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page