Galit na galit daw na pinapantasya… ANNE, NIRESBAKAN SA TODO-DISPLEY NG KATAWAN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | March 10, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Kahit nagbigay na nga rin ng kanyang ‘madiinang’ statement si Anne Curtis na sinuportahan ng marami, taga-showbiz man o ordinaryong tao, siyempre ay may mga ibang grupo ring sumasalungat.
Ipinagdidiinan din nilang nakilala rin sa showbiz bilang sexy at lumalabas sa mga projects o endorsements si Anne na ipinangangalandakan ang ganda at kaseksihan nito, gaya ng iba pang artists. Isang bagay at katotohanan daw sa industriya at buhay ng mga Pinoy na hindi maiiwasang pagnasaan o sa mas ‘clinical na diskurso’, gawing subject at object ng ‘fantasy’.
‘Yun nga lang, sa naging paraan ni Cong. Bong Suntay na isang public servant at nasa isang seryosong pagdinig, naging malicious nga ang pagkakadawit niya ng name ni Anne.
But then again, marami pa rin ang nagtatanong kung bakit sobrang naging sensational daw ang isyung ito gayung marami pa rin daw kaugnay at kaparehong pangyayari na kinasasangkutan ng mga pari, teachers, sundalo, ibang celebrities at personalidad, na tila hindi naman pinansin ng mga nagsusulong ng usaping-pangkababaihan, moralidad at tamang dekorum.
Hinawakan sa bewang, feeling nabastos…
BEAUTY QUEEN SA DAVAO, UMAMING ‘DI NAGUSTUHAN ANG GINAWA NI DERRICK SA KANYA, ‘DI LANG NAKAPALAG
LATEST sample nga raw riyan ang aktor na si Derrick Monasterio.
Nang maimbitahan daw ang aktor na mag-serenade ng mga babaeng kalahok sa isang beauty pageant sa Davao de Oro kamakailan, may isang tila sumigaw ng ‘uncomfy’ sa gesture ng aktor.
Ang title holder na si Sam Aldeano ay nag-post sa kanyang socmed (social media) account na nakaramdam umano siya ng ‘discomfort o uncomfortability’ sa ginawang paghawak o paglagay ni Derrick ng kanyang kamay sa kanyang bewang habang ito’y kumakanta.
Pero bilang iyon ay bahagi ng palabas ay minabuti raw niyang maging professional.
Tila nagkaroon lang ng bahid-malisya ang lahat nang bitawan na raw ni Derrick ang paghawak sa bewang ng beauty queen para i-serenade rin ang ibang girls, pero may pagsenyas daw itong ginawa kay Aldeano habang binibigkas nito ang lyrics ng kanta saying, “Wait for me to come home.”
Mula sa Bisaya language, ganito umano ang naging post ni Aldeano, “Not gonna lie, I was uncomfortable at the time, but the show must go on! I have to be professional. I’m okay, guys, thank you for checking in on me.”
Kasalukuyang nagbibida si Derrick sa afternoon series na Apoy Sa Dugo (ASD), katambal ang real-life GF nitong si Elle Villanueva, with Ashley Ortega, Thea Tolentino at marami pang iba.
HALOS nagkaiyakan pala last Sunday sa A.S.A.P. ang cast member ng Batang Quiapo (BQ) dahil sa kanilang grand pasasalamat kaugnay ng nalalapit nitong pagtatapos this week.
Kahit nga raw si Gary Valenciano na pinasalamatan nang husto ni Coco Martin dahil sa lagi nitong pag-awit ng theme song ng kanyang mga series ay naging emotional din.
Anyway, umaasa naman daw ang mga nakasama ni Coco na kahit papaano ay mabibigyan pa rin sila ng trabaho ng actor-director-producer sa agad na papalit na Sigabo series.
Kaya huwag daw mag-alala ang mga ito gaya ng mga supporters at audience ni Coco dahil agad-agad ngang eere ang bagong serye na ayon pa kay Coco ay mixture of comedy drama, romance at konting action.
“Halos lahat ng mga kasama namin, mga comedian. Tapos, episodic s’ya, iba-ibang kuwento, iba’t ibang mission, para iba-ibang experience every week,” dagdag pa ni Coco Martin.




Comments