top of page

Naging close sa utol ni Daniel, todo-suporta pa rin… KATHRYN, GINASTUSAN SI LELLA MAGING PBB BIG WINNER LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 10, 2026



TEKA NGA - KATHRYN, GINASTUSAN SI LELLA MAGING PBB BIG WINNER LANG/IG @bernardokath & @lellaford

Photo: IG @bernardokath & @lellaford



Balitang-balita at pinag-uusapan ngayon sa sirkulo ng mga fans ni Kathryn Bernardo na lihim daw na tumulong ang aktres at nagbigay ng malaking boto upang manalo si Lella Ford sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0).


Noong magkarelasyon pa sina Kathryn at Daniel Padilla ay naging malapit ang aktres sa mga kapatid ng aktor. Nasubaybayan din niya ang pagpasok ni Lella sa Bahay ni Kuya. 

All-out din ang naging suporta ng lahat ng fans ni Daniel sa bunsong kapatid nito. At hindi rin nagpabaya si Karla Estrada na ginawa ang lahat upang bumuhos ang boto sa kanyang anak.


Well, kahit papaano ay concerned pa rin naman si Kathryn sa kapatid ng kanyang ex-boyfriend na si Lella Ford.


Samantala, maraming viewers ang naaliw kay Vice Ganda nang mag-guest si Lella sa It’s Showtime (IS). Hindi n’ya maokray si Lella dahil takot daw siya kay Karla Estrada. Kaya hindi pa nasasagot ni Lella ang tanong sa segment ay ‘correct’ na agad para kay Vice Ganda.


Maging si Caprice Cayetano ay hindi rin maokray ni Meme Vice dahil takot siyang ma-bash ng mga diehard fans at supporters nito.



SINISIGURO ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na wala nang mangyayaring ghost projects sa lugar niya ngayon.


Labis din niyang ikinagulat at ipinagtataka na may ganitong anomalya sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang lalawigan.


Hindi naman kasi sila ang direktang may kinalaman sa mga flood control projects sa Bulacan. Pero ngayon, sa mga local government units (LGUs) na magdaraan ang anumang projects na gagawin sa Bulacan, hindi na sa DPWH. 


Kailangang ipaalam sa lalawigan ang mga projects at dapat ay may approval ng Konseho.


Tinitiyak ni Gov. Daniel Fernando na magiging transparent ang pamahalaan ng Bulacan sa anumang transactions na kanilang papasukin.


Sa ngayon, pinaghahandaan nila ang magiging epekto ng nangyayaring digmaan sa Middle East at ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Tiyak daw na matindi ang inflation at makakaapekto sa lahat ng sektor kaya nakaalalay ang lalawigan sa mga magsasaka at sa mga low-income families ng Bulacan.





Nasobrahan sa hataw, ‘di na kinaya…

GARY V., KAILANGANG NAKA-WHEELCHAIR NA



LABIS na nag-aalala ang mga fans ni Gary Valenciano sa kalagayan ng kanyang kalusugan ngayon.


Kinakailangan na niyang mag-wheelchair upang makapunta sa kanyang mga commitments. Sinisikap niyang maging professional sa kanyang trabaho kahit bumibigay na ang kanyang katawan.


Base na rin sa kuwento ng wife niyang si Angeli Pangilinan, bago pa naospital si Gary V. dahil sa kanyang tendinitis ay one week itong nag-ikot at nag-perform sa iba’t ibang schools sa Metro Manila.


At tulad ng dapat asahan, humataw si Gary V. sa pagsasayaw upang mapasaya ang kanyang mga tagahanga.


Kahit na anong pigil ng misis ay hindi maawat si Mr. Pure Energy kaya sa ospital siya bumagsak.


Payo ng mga nagmamalasakit kay Gary V., kailangan niyang mag-slow down sa pagpe-perform kapag may mga events siyang tinatanggap. Puwede naman siyang kumanta na lang ng kanyang mga hit songs. Hindi na niya ganu’n kakayanin ang mga dati niyang ginagawang paghataw.


At this point of his life, wala nang dapat patunayan si Gary V.. Ang kanyang mga achievements ay nakatatak na sa publiko dahil mananatili siyang living icon sa music industry.


Kailangan din niyang pagmalasakitan ang kanyang sariling kalusugan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page