top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg
Search

ni Vinia VIvar @Frankly | October 20, 2026



FRANKLY - MCCOY, PROUD NA PROUD SA UTOL NA PWD_IG _mccoydeleon

Photo: IG _mccoydeleon


Hindi na rin napigil ng aktor na si McCoy de Leon ang magbigay ng kanyang saloobin tungkol sa pang-iinsultong nararanasan ng mga children with special needs kabilang na ang kanyang kapatid na si Marcus.


Sa kanyang Instagram (IG) account nitong Lunes, October 19, ipinahayag ng aktor kung gaano siya ka-proud sa kanyang younger brother na “Kuya Marcus” kung kanyang tawagin.


“I’m a proud brother of a very loving, kind hearted, and always smiling Kuya Marcus and I will always be proud of him,” aniya.


“I know medyo late na po ako sa usapin na ‘to, but I just want to share something close to my heart,” patuloy niya.


Kung dati raw ay tumatahimik lang siya kapag ginagawang katatawanan ang mga special children, ngayon ay nagdesisyon na si McCoy na magsalita na rin upang ipahayag ang kanyang pagtutol.


“I admit whenever I hear jokes about people on the autism spectrum most of the time I just stay silent. Pero ngayon I realized po that we should never allow these kinds of jokes to become normal. Sana po, maging mas mindful tayo. Their differences should never be turned into jokes or content just for entertainment.


“I’m not usually vocal when it comes to myself, pero pagdating po sa pamilya ko po, ‘di ko kayang manahimik,” saad ng aktor.


Pagtatanggol niya sa kapatid, “Some people may think they don’t contribute much to their families. Pero sa totoo lang po, sometimes they give more than we could ever imagine, even more than what we expect from any family member. And I can proudly say that because we have Kuya Marcus in our family.


“Kuya Marcus is the heart of our family. Mula sa bunso, kapatid hanggang sa parents namin, lahat po kami ay ibinubuhos ang pagmamahal sa kanya. He has taught us patience, understanding, and most importantly, unconditional love. 


“‘Di po sila katatawanan. They have feelings, they have beautiful hearts, and they deserve the same love, respect, and understanding as everyone else.


“Sana po, before we make jokes or turn something into content, isipin natin na may pamilyang nagmamahal, nag-aalaga, at handang ipaglaban sila.”


Pakiusap pa niya, “Let’s stop normalizing jokes at the expense of others. What may be entertainment to some is someone’s loved one, someone’s family, and someone’s whole world.”


At ang mensahe ng aktor sa kapatid, “I love you, Kuya Marcus. Kuya will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit. I’m forever proud and grateful to be your brother.”


Ilang araw nang mainit na usapin sa social media ang tungkol sa mga PWDs (person with disability) at special children na nagsimula nang insultuhin ng mga podcasters ng Machong Chismisan ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua.


Bumuhos ang galit ng mga netizens and celebrities as well at isa-isang nagpahayag ng pagkondena sa mga taong minamaliit ang mga taong may kapansanan.





BUKOD kay McCoy de Leon, nagpahayag din ng matinding saloobin ang TV host na si Valerie Tan tungkol sa panlalait na ginawa kay Joshua Aquino sa Machong Chismisan.


Sa panayam ng entertainment press kay Valerie sa press conference ng kanyang travel show na I Heart PH Season 11, iginiit ng TV host na may mga biro na hindi na dapat ginagawa dahil nagiging offensive at below the belt na ang mga ito.


“‘Yung mga comedian ngayon, they try to push the envelope, but there are jokes na ‘di mo na dapat sabihin because ‘di s’ya joke. Below the belt s’ya, offensive s’ya,” pahayag ng award-winning TV host.


Binigyang-diin din ni Valerie na lahat ng nasa entertainment industry, kabilang ang mga comedians, actors, performers at content creators ay dapat na maging responsable sa kanilang mga sinasabi at inilalabas na content.


“Because your words affect and your words have a ripple effect, especially on a platform like a podcast,” paliwanag niya.


“Dapat alam mo kung ano ‘yung puwede mong i-joke at alam mo ‘yung hindi. Definitely this one, they definitely crossed the line,” mariing pahayag ni Valerie.


Natanong din siya kung sa tingin niya ay dapat na magsampa ng kaso si Kris Aquino laban sa podcast at sa mga hosts nito.


“We all know naman that Ms. Kris has some health issues so I don’t know if she would prefer to do that,” tugon niya.


Dagdag pa niya, “S’yempre, nakaka-stress din naman na mag-file ng case. But, at the same time, if you don’t file a case, how will people learn?”


Pero sa huli ay si Kris lamang daw ang puwedeng magdesisyon tungkol dito.

“It’s really up to Ms. Kris to decide if she wants to file a case. If she does, I think the people will definitely support her. If she doesn’t, I think the people will understand as well. But whether she files the case or not, the people are behind her,” paliwanag niya.


Samantala, excited na si Valerie sa pagbabalik ng kanyang travel show na I Heart PH Season 11, na mapapanood sa GTV tuwing Linggo, 11:30 AM simula October 25.

Sa bagong season, ipagpapatuloy ng programa ang pagtuklas sa iba’t ibang tourist destinations at attractions sa Hong Kong, kabilang ang mga sikat na pasyalan at hidden gems ng lungsod.


Isa sa mga tampok na destinasyon ang Madame Tussauds Hong Kong, kung saan makikita ang wax figures ng ilang Filipino celebrities gaya nina Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.


Patuloy namang makikipagtulungan ang I Heart PH sa Hong Kong Tourism Board upang maipakita sa mga manonood ang kultura, heritage, creativity at modern lifestyle ng naturang bansa.

 
 

ni Vinia VIvar @Frankly | October 19, 2026



FRANKLY - ROCHELLE, NAALALA ANG PALILIGO SA BAHA DAHIL SA MGA KANTA NI REGINE_IG _rochellepangilinan

Photo: IG _rochellepangilinan


Nagbigay-pugay ang ilan nating celebrities sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos nilang mapanood ang unang gabi ng 3-night sold-out FINALE concert nito held last Saturday sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Sa Instagram (IG) post ni Sexbomb Rochelle Pangilinan, dala-dala pa niya sa isip hanggang kinabukasan ang unforgettable concert ng kanyang idolo.


Simula ng post ng aktres-dancer, “Paggising ko, ang concert mo po ang nasa isip ko @reginevalcasid. Sabi mo, Ate Reg, it’s time na para magbigay ng space sa iba. Maryosep, Ate! May kanya-kanya tayong space, at ang space mo ay ikaw lang ang makakapuno. Walang makakapalit sa ‘yo!” 


Patuloy pa niya, “At sabi mo pa, may mga kanta ka na kailangang mag-retire. OMG, Ate! As your fan, ‘di pwede! (crying emoji). Habambuhay naming kasama sa buhay ang mga kanta mo. ‘Di sila basta kanta lang, kundi bahagi ng mga alaala at kuwento ng buhay namin.”

Inalala rin ni Rochelle ang panahon ng kanyang kabataan kung saan lumaki siya sa mga awitin ni Regine.


“‘Pag kinakanta mo ang You Are My Song, bumabalik ako sa panahon na naliligo pa ‘ko sa baha sa Malabon. Ganu’n kalalim ang koneksyon namin sa mga kanta mo,” aniya.

Hindi rin niya napigilan ang magpahayag ng paghanga sa husay na ipinakita ni Songbird sa concert.


“Kagabi, habang pinapanood kita, ang bigat sa pakiramdam. Halu-halo ang emosyon ko. Sobrang galing mo, Ate! Napaisip ako, sa 40 years mo sa industriya, ilang concerts na kaya ang nagawa mo? Thousands, maybe? ANG LUPIT MO!” mensahe ng Sexbomb leader.


“Lumaki kami sa mga kanta mo, at hanggang sa pagtanda, kasama pa rin namin ang mga ‘yun. Walang papalit sa trono mo. Walang papalit sa ‘yo sa puso ng isang fan gaya ko. Iisa lang ang REGINE VELASQUEZ-ALCASID sa amin! Forever your fan, Ate Reg!” ang pagtatapos ni Rochelle.


Samantala, ang ganda rin ng mensahe ng singer na si Mark Bautista sa kanyang IG. Tulad ni Rochelle, labis din ang paghanga at respeto niya kay Regine.


“Ms. Reg! I love you! Congratulations on your sold-out Finale concert! It takes a special kind of gift and so much discernment to envision this career moment. You truly are special & God’s gift…


“What a beautiful way to mark a milestone in your journey! Thank you for being part of mine! Cheers to more singing and adventures,” pahayag ni Mark.


Makikita rin sa IG post ni Melai Cantiveros ang panonood niya ng Finale concert kasama ang mister na si Jason Francisco. May group shot din siya with other celebrities na nanood tulad nina Vice Ganda, Jona, Jolina Magdangal, Ysabel Ortega at Darren Espanto. 


Ayon kay Melai, naiiyak siya habang nanonood ng concert dahil saksi raw siya sa mga pinagdaanang health issues ni Regine.


“Congratulations as always MomshieReg @reginevalcasid for a spectacular Finale Concert indeed (heart, clap & confetti emoji). Thank you Lord Jesus Christ ‘cause your presence is with us sa concert, nakakaiyak ang concert kasi saksi ako sa mga pinagdadaanan ni Momshie Reg with regards to her health,” aniya.


At siyempre, hindi rin nagpahuli ang mister ni Songbird na si Ogie Alcasid na nagpahatid ng pagbati for the successful concert. 


Ini-repost niya ang aerial shot kung saan ay makikitang punumpuno ang MOA at aniya sa caption, “Congratulations, Mahal!!! (3 red heart emoji).”


Viral din ang video ng duet nilang mag-asawa sa concert ng classic song nilang Hanggang Ngayon.


 
 

ni Vinia VIvar @Frankly | October 18, 2026



Maymay Entrata at Ben and Ben - IG

Photo: Maymay Entrata at Ben and Ben - IG



Umaasa rin sina Maymay Entrata at Ben&Ben na makakuha ng nominasyon sa upcoming Grammy Awards 2027 dahil kabilang sila sa mga nagsumite ng kanilang entries for consideration para sa nasabing prestihiyosong music awards.


Isinumite ng Ben&Ben ang reimagined version ng kanilang hit song na Leaves para sa Best Pop Group/Duo Performance category.


Sa social media, nagpaabot ng mensahe ang grupo sa kanilang loyal fans na kilala bilang Liwanag, kasabay ng pagbabahagi ng kanilang Grammy campaign.


“Suntok sa buwan, imposibleng pangarap, pero susubok pa rin! Salamat sa paglipad kasama namin, Liwanag,” saad ng banda.


Para sa Ben&Ben, isang malaking hakbang ang pagsubok na ito upang mas maipakilala ang kanilang musika sa mas malawak na audience sa labas ng Pilipinas.


Samantala, emosyonal naman ang naging reaksiyon ni Maymay matapos malaman na isinumite para sa Best Asian Pop Music Performance category sa Grammy ang kanyang awiting Masunog Man.


Ayon sa aktres at singer, may malalim na personal na kahulugan ang kanta dahil konektado ito sa lungkot at pangungulila na naramdaman niya matapos pumanaw ang kanyang ina.


“Woaaaah! Maraming salamat po!” masayang pahayag ni Maymay sa mga sumuporta.

“This song is very personal to me because it represents the grief I felt after my mom passed away,” pagbabahagi niya.


Aminado rin si Maymay na malaking bagay para sa kanya ang naturang pagkilala dahil pakiramdam niya ay mas nakikita at nauunawaan ang personal na kuwentong nasa likod ng kanyang musika.


“This makes me feel so seen. MARAMING SALAMAT PO for even the thought of considering our song, Masunog Man, for this incredible recognition!” dagdag pa niya.


Buong-puso rin niyang ipinahayag ang suporta sa OPM at sa mga kapwa Pilipinong patuloy na nangangarap na makilala sa buong mundo.


“Kasabay sa alon, bandera ng OPM ay babangon!” aniya.

Hindi lamang sina Maymay at Ben&Ben ang mga Pilipinong umaasang makapasok sa Grammy Awards 2027.


Kabilang din sa mga nagsumite ng entries sa Best Asian Pop Music Performance category sina Khimo Gumatay, ang Idol Philippines Season 2 winner; ABS-CBN artist Carmelle Collado; at ang It’s Showtime Baby Dolls.


Matatandaang nauna nang inianunsiyo ng mga P-Pop superstars na SB19 at BINI ang kanilang mga entries para sa Grammy Awards 2027 consideration.


Nakatakdang ianunsiyo ang nominations para sa 2027 Grammy Awards sa Nobyembre 16, 2026, habang gaganapin naman ang awards ceremony sa Pebrero 7, 2027 sa Los Angeles.





DAHIL sa tinatamasang kasikatan ngayon ng content creator na si Jenela Tuguinay-Cachero, mas kilala bilang Jenela in Japan, napakaraming producers at talent managers ang nag-aalok sa kanya na mag-artista.


Palibhasa’y pretty din siya at kung tutuusin ay pang-beauty queen ang kanyang dating kaya dinadagsa siya ng mga offers sa showbiz.


Pero mukhang hindi bet ni Jenela na pumasok sa showbiz for now dahil mas busy siya sa kanyang pamilya at sa kabubukas lang niyang negosyo na Amèla (Made With Love), kung saan siya ang founder at chief executive officer (CEO).


Nagsimula si Jenela bilang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Japan hanggang sa matutunan niyang mag-vlog, na siyang bumago sa takbo ng kanyang buhay.

Kinagiliwan ng mga kapwa-Pinoy at Japanese ang kanyang vlog tungkol sa araw-araw niyang buhay doon. Umaabot sa milyun-milyon ang kanyang views.


Dahil dito, nagsimulang kunin siyang endorser ng mga kumpanya. Sa sobrang kasikatan niya ay na-feature pa siya sa vlog ni Karen Davila, at marami na ring artikulo ang lumabas tungkol sa kanya dahil nagsisilbing inspirasyon sa marami ang kanyang buhay.


Ngayon ay isang bagong kabanata naman ang sinimulan ni Jenela sa pamamagitan ng kanyang brand na Amèla, na nag-aalok ng mga produktong idinisenyo upang makatulong sa mga magulang sa kanilang pang-araw-araw na gawain.


Kabilang sa mga produkto nito ang mommy at daddy bags na may baby essentials, gayundin ang mga baby carrier na naglalayong gawing mas maginhawa ang pang-araw-araw na gawain ng mga magulang.


Sa launch ng nasabing brand, inamin niyang mahilig siyang sumali sa mga beauty pageants noon upang pandagdag sa kanyang baon at tuition.


“Nagdyo-join po talaga ako ng pageants nu’ng kabataan ko. So sideline when I was in college, pang-add ng tuition, pambaon,” aniya.


Pero ngayon ay retired na raw siya sa pageantry, bagama’t aminado siyang nami-miss niya ang pagrampa.


Nag-quit na rin sa kanyang trabaho sa Japan si Jenela at ngayon ay nakabase na sa Pilipinas. Gayunman, hindi raw niya ititigil ang pagiging content creator.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page