top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp
Search

ni Vinia VIvar @Frankly | October 21, 2026



FRANKLY - BEA, OBYUS NA MAY BABY BUMP_IG _beaalonzo.empire

Photo: IG _beaalonzo.empire



Pinag-uusapan ngayon sa social media kung buntis na ba si Bea Alonzo sa first baby nila ng mister na si Vincent Co matapos mapuna ng mga netizens na tila may slight ‘baby bump’ ang aktres.


Ipinost ng isang netizen sa Reddit ang latest video ni Bea na kuha sa recent launch ng bagong produkto ng kanyang travel essentials brand at mababasa rito ang caption na: “Is Bea Alonzo expecting? Or just glowing?”


Sa reel ay makikitang blooming nga ang aktres but at the same time ay parang may bahagyang ‘baby bump.’


Samu’t sari naman ang reaksiyon ng mga Redditors at marami ang nagsabi na happy sila if true na preggy na si Bea.

Narito ang mga komentong nabasa namin:


“Any woman will be blooming if she married a billionaire with love.”

“Let’s not speculate. The last time people did, she literally said she had just eaten. So it’s best not to jump to conclusions.”


“‘Pag marami kang pera, talagang glowing ka.”

“May bump lang, eh, expecting na agad?”


“‘Teh, if mayaman ako, everyday din akong blooming.”

Anyway, abangan na lang natin sa mga darating na araw kung masasagot ba ang tanong ng mga netizens kung preggy ba o hindi si Bea. 


Kung kami ang tatanungin, wish namin na true ito because it’s about time na rin naman na magkaroon na siya ng sariling anak at pamilya.





2 yrs. na sila, ‘di pa rin inaalok ng kasal…

ASHLEY, TODO-ASANG SI MAVY NA ANG MAGING ENDGAME



SUPER happy ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa relasyon nila ng boyfriend na si Mavy Legaspi, lalo na’t nakatakda na nilang i-celebrate ang kanilang second anniversary ngayong October 27.


Ayon kay Ashley, may nakaplano na silang simpleng celebration para sa kanilang special day. Hindi man ito bongga, mas mahalaga raw ang pagkakataong makapag-bonding silang dalawa.


“Meron na s’yang pinlan (read: pinlano), pero dinner lang naman, ‘di naman kailangang sobrang bongga,” kuwento ng aktres sa panayam sa Kalurks.


Dagdag pa niya, masaya siya dahil umabot na sila sa dalawang taon ng kanilang relasyon at patuloy pa rin silang strong bilang mag-partner.


“I’m just happy na ang tagal na pala namin. Two years na rin pala ang nakalipas. So going strong and I’m happy and yeah, we’re good,” sey ni Ashley.


Hindi rin naiwasang matanong ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ni Mavy ang pagpapakasal. Pag-amin niya, wala pa raw silang konkretong plano tungkol dito dahil pareho pa nilang gustong mag-focus sa kani-kanilang career.


Pagbabahagi ni Ashley, noong nanliligaw pa lamang sa kanya si Mavy, naging honest na siya tungkol sa kung ano ang hinahanap niya sa isang relationship.


“I’m not getting any younger, what I want in a partner, in a relationship, is ‘yung pang-long term na, hopefully,” paliwanag niya.


Gayunman, hindi pa raw nila pinag-uusapan kung kailan sila magse-settle down dahil marami pa silang gustong ma-achieve, lalo na si Mavy na mas marami pang pangarap na gustong tuparin sa kanyang career.


Si Ashley naman ay patuloy ding naghahanda para sa kanyang future goals, kabilang na ang bago niyang venture sa pagnenegosyo.


Kahit hindi pa marriage ang priority ng dalawa, hindi naman itinago ng aktres na umaasa siyang si Mavy na ang lalaking makakasama niya for a lifetime.


Aminado ang aktres na ipinagdarasal niyang mag-work-out ang kanilang relasyon hanggang sa huli dahil gusto niyang ang kasalukuyang boyfriend na niya ang maging kanyang forever partner.


“Sinabi ko naman sa kanya na of course, if sana. Ipinagdarasal ko rin na s’yempre, gusto ko na ‘yung partner ko ngayon, which is si Mavy, na ‘yun na sana,” pahayag ni Ashley.


Pabirong dagdag pa niya, mahirap din daw ang magsimula ulit sa isang bagong relationship matapos ang lahat ng pinagdaanan at nabuo nilang samahan.


“Kasi ang hirap naman na if you’re gonna back to zero again, ‘di ba? Saka ayoko na, ‘noh!” natatawang sey ng aktres.

 
 

ni Vinia VIvar @Frankly | October 20, 2026



FRANKLY - MCCOY, PROUD NA PROUD SA UTOL NA PWD_IG _mccoydeleon

Photo: IG _mccoydeleon


Hindi na rin napigil ng aktor na si McCoy de Leon ang magbigay ng kanyang saloobin tungkol sa pang-iinsultong nararanasan ng mga children with special needs kabilang na ang kanyang kapatid na si Marcus.


Sa kanyang Instagram (IG) account nitong Lunes, October 19, ipinahayag ng aktor kung gaano siya ka-proud sa kanyang younger brother na “Kuya Marcus” kung kanyang tawagin.


“I’m a proud brother of a very loving, kind hearted, and always smiling Kuya Marcus and I will always be proud of him,” aniya.


“I know medyo late na po ako sa usapin na ‘to, but I just want to share something close to my heart,” patuloy niya.


Kung dati raw ay tumatahimik lang siya kapag ginagawang katatawanan ang mga special children, ngayon ay nagdesisyon na si McCoy na magsalita na rin upang ipahayag ang kanyang pagtutol.


“I admit whenever I hear jokes about people on the autism spectrum most of the time I just stay silent. Pero ngayon I realized po that we should never allow these kinds of jokes to become normal. Sana po, maging mas mindful tayo. Their differences should never be turned into jokes or content just for entertainment.


“I’m not usually vocal when it comes to myself, pero pagdating po sa pamilya ko po, ‘di ko kayang manahimik,” saad ng aktor.


Pagtatanggol niya sa kapatid, “Some people may think they don’t contribute much to their families. Pero sa totoo lang po, sometimes they give more than we could ever imagine, even more than what we expect from any family member. And I can proudly say that because we have Kuya Marcus in our family.


“Kuya Marcus is the heart of our family. Mula sa bunso, kapatid hanggang sa parents namin, lahat po kami ay ibinubuhos ang pagmamahal sa kanya. He has taught us patience, understanding, and most importantly, unconditional love. 


“‘Di po sila katatawanan. They have feelings, they have beautiful hearts, and they deserve the same love, respect, and understanding as everyone else.


“Sana po, before we make jokes or turn something into content, isipin natin na may pamilyang nagmamahal, nag-aalaga, at handang ipaglaban sila.”


Pakiusap pa niya, “Let’s stop normalizing jokes at the expense of others. What may be entertainment to some is someone’s loved one, someone’s family, and someone’s whole world.”


At ang mensahe ng aktor sa kapatid, “I love you, Kuya Marcus. Kuya will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit. I’m forever proud and grateful to be your brother.”


Ilang araw nang mainit na usapin sa social media ang tungkol sa mga PWDs (person with disability) at special children na nagsimula nang insultuhin ng mga podcasters ng Machong Chismisan ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua.


Bumuhos ang galit ng mga netizens and celebrities as well at isa-isang nagpahayag ng pagkondena sa mga taong minamaliit ang mga taong may kapansanan.





BUKOD kay McCoy de Leon, nagpahayag din ng matinding saloobin ang TV host na si Valerie Tan tungkol sa panlalait na ginawa kay Joshua Aquino sa Machong Chismisan.


Sa panayam ng entertainment press kay Valerie sa press conference ng kanyang travel show na I Heart PH Season 11, iginiit ng TV host na may mga biro na hindi na dapat ginagawa dahil nagiging offensive at below the belt na ang mga ito.


“‘Yung mga comedian ngayon, they try to push the envelope, but there are jokes na ‘di mo na dapat sabihin because ‘di s’ya joke. Below the belt s’ya, offensive s’ya,” pahayag ng award-winning TV host.


Binigyang-diin din ni Valerie na lahat ng nasa entertainment industry, kabilang ang mga comedians, actors, performers at content creators ay dapat na maging responsable sa kanilang mga sinasabi at inilalabas na content.


“Because your words affect and your words have a ripple effect, especially on a platform like a podcast,” paliwanag niya.


“Dapat alam mo kung ano ‘yung puwede mong i-joke at alam mo ‘yung hindi. Definitely this one, they definitely crossed the line,” mariing pahayag ni Valerie.


Natanong din siya kung sa tingin niya ay dapat na magsampa ng kaso si Kris Aquino laban sa podcast at sa mga hosts nito.


“We all know naman that Ms. Kris has some health issues so I don’t know if she would prefer to do that,” tugon niya.


Dagdag pa niya, “S’yempre, nakaka-stress din naman na mag-file ng case. But, at the same time, if you don’t file a case, how will people learn?”


Pero sa huli ay si Kris lamang daw ang puwedeng magdesisyon tungkol dito.

“It’s really up to Ms. Kris to decide if she wants to file a case. If she does, I think the people will definitely support her. If she doesn’t, I think the people will understand as well. But whether she files the case or not, the people are behind her,” paliwanag niya.


Samantala, excited na si Valerie sa pagbabalik ng kanyang travel show na I Heart PH Season 11, na mapapanood sa GTV tuwing Linggo, 11:30 AM simula October 25.

Sa bagong season, ipagpapatuloy ng programa ang pagtuklas sa iba’t ibang tourist destinations at attractions sa Hong Kong, kabilang ang mga sikat na pasyalan at hidden gems ng lungsod.


Isa sa mga tampok na destinasyon ang Madame Tussauds Hong Kong, kung saan makikita ang wax figures ng ilang Filipino celebrities gaya nina Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.


Patuloy namang makikipagtulungan ang I Heart PH sa Hong Kong Tourism Board upang maipakita sa mga manonood ang kultura, heritage, creativity at modern lifestyle ng naturang bansa.

 
 

ni Vinia VIvar @Frankly | October 19, 2026



FRANKLY - ROCHELLE, NAALALA ANG PALILIGO SA BAHA DAHIL SA MGA KANTA NI REGINE_IG _rochellepangilinan

Photo: IG _rochellepangilinan


Nagbigay-pugay ang ilan nating celebrities sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos nilang mapanood ang unang gabi ng 3-night sold-out FINALE concert nito held last Saturday sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Sa Instagram (IG) post ni Sexbomb Rochelle Pangilinan, dala-dala pa niya sa isip hanggang kinabukasan ang unforgettable concert ng kanyang idolo.


Simula ng post ng aktres-dancer, “Paggising ko, ang concert mo po ang nasa isip ko @reginevalcasid. Sabi mo, Ate Reg, it’s time na para magbigay ng space sa iba. Maryosep, Ate! May kanya-kanya tayong space, at ang space mo ay ikaw lang ang makakapuno. Walang makakapalit sa ‘yo!” 


Patuloy pa niya, “At sabi mo pa, may mga kanta ka na kailangang mag-retire. OMG, Ate! As your fan, ‘di pwede! (crying emoji). Habambuhay naming kasama sa buhay ang mga kanta mo. ‘Di sila basta kanta lang, kundi bahagi ng mga alaala at kuwento ng buhay namin.”

Inalala rin ni Rochelle ang panahon ng kanyang kabataan kung saan lumaki siya sa mga awitin ni Regine.


“‘Pag kinakanta mo ang You Are My Song, bumabalik ako sa panahon na naliligo pa ‘ko sa baha sa Malabon. Ganu’n kalalim ang koneksyon namin sa mga kanta mo,” aniya.

Hindi rin niya napigilan ang magpahayag ng paghanga sa husay na ipinakita ni Songbird sa concert.


“Kagabi, habang pinapanood kita, ang bigat sa pakiramdam. Halu-halo ang emosyon ko. Sobrang galing mo, Ate! Napaisip ako, sa 40 years mo sa industriya, ilang concerts na kaya ang nagawa mo? Thousands, maybe? ANG LUPIT MO!” mensahe ng Sexbomb leader.


“Lumaki kami sa mga kanta mo, at hanggang sa pagtanda, kasama pa rin namin ang mga ‘yun. Walang papalit sa trono mo. Walang papalit sa ‘yo sa puso ng isang fan gaya ko. Iisa lang ang REGINE VELASQUEZ-ALCASID sa amin! Forever your fan, Ate Reg!” ang pagtatapos ni Rochelle.


Samantala, ang ganda rin ng mensahe ng singer na si Mark Bautista sa kanyang IG. Tulad ni Rochelle, labis din ang paghanga at respeto niya kay Regine.


“Ms. Reg! I love you! Congratulations on your sold-out Finale concert! It takes a special kind of gift and so much discernment to envision this career moment. You truly are special & God’s gift…


“What a beautiful way to mark a milestone in your journey! Thank you for being part of mine! Cheers to more singing and adventures,” pahayag ni Mark.


Makikita rin sa IG post ni Melai Cantiveros ang panonood niya ng Finale concert kasama ang mister na si Jason Francisco. May group shot din siya with other celebrities na nanood tulad nina Vice Ganda, Jona, Jolina Magdangal, Ysabel Ortega at Darren Espanto. 


Ayon kay Melai, naiiyak siya habang nanonood ng concert dahil saksi raw siya sa mga pinagdaanang health issues ni Regine.


“Congratulations as always MomshieReg @reginevalcasid for a spectacular Finale Concert indeed (heart, clap & confetti emoji). Thank you Lord Jesus Christ ‘cause your presence is with us sa concert, nakakaiyak ang concert kasi saksi ako sa mga pinagdadaanan ni Momshie Reg with regards to her health,” aniya.


At siyempre, hindi rin nagpahuli ang mister ni Songbird na si Ogie Alcasid na nagpahatid ng pagbati for the successful concert. 


Ini-repost niya ang aerial shot kung saan ay makikitang punumpuno ang MOA at aniya sa caption, “Congratulations, Mahal!!! (3 red heart emoji).”


Viral din ang video ng duet nilang mag-asawa sa concert ng classic song nilang Hanggang Ngayon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page