In-announce na sa simbahan… BEA AT VINCENT, IKAKASAL NA!
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 10, 2026

Photo: IG @bealonzo
Kasado na ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co.
Ipinost ng St. Peter the Apostle Parish ang wedding banns nina Bea at Vincent with their
complete names last Sunday (March 8).
Ang marriage banns ay pormal na pagpapaalam sa publiko ng intensiyon ng isang couple na magpakasal.
Sa Catholic Church ay naka-post ang marriage banns sa simbahang nakakasakop sa tinitirhan ng mga ikakasal for three consecutive Sundays.
Ginagawa ang announcement upang masiguro na walang legal na hadlang sa gaganaping kasal.
And what happens next after three consecutive Sundays na posting sa church? Baka ang kasunod ay ang aktuwal na kasalan na.
Ibig kayang sabihin nito ay bandang April magaganap ang kasalang Bea at Vincent?
Kaya pala nananahimik ang aktres for a long time ay busy na siya sa preparations for her wedding.
After the wedding, honeymoon galore naman ang pagkakaabalahan ni Bea.
And then, saka pa lang siguro mahaharap ni Bea ang pagsu-shoot sa bago niyang teleserye na Whispers From Heaven (WFH).
Marami pang panahon para mag-shoot para sa bago niyang serye dahil next year pa naman ito eere.
Pero teka, ano kaya ang say ng Chinese family ni Vincent at sa Catholic Church sila ikakasal ni Bea?
Kunsabagay, ang mga babae naman talaga ang nasusunod kung saan nila gustong ikasal.
O baka naman may ikalawa pang wedding sina Bea at Vincent? And this time, Chinese-
style wedding na para naman sa pamilya ni Vincent.
Keri naman nilang magpakasal kahit ilang beses. Ang mahalaga, tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ni Bea. Huwag na nga sanang maudlot gaya ng nangyari sa huli niyang fiancé.
Congrats, Bea Alonzo and Vincent Co!
PAGKATAPOS ng bonggang treat ni John Lloyd Cruz para sa kanyang anak na si Elias, kasama ang kanyang mommy na si Ellen Adarna at sisterette na si Lili sa Palawan, gumora naman ang bagets sa Sapporo, Japan.
Ipinasyal ni Ellen si Elias sa Sapporo sa kanilang first day. This time, nag-solo muna ang mag-ina sa kanilang Japan trip. Hindi muna nila isinama si Lili.
Ipinost din ni Ellen sa kanyang story sa Instagram (IG) ang series of photos nila ni Elias mula sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines hanggang sa mga ganap nila on their first day sa Japan.
Sa comment section ay marami ang nakapansin sa pagkakahawig ni Elias sa kanyang ama na si John Lloyd.
Sey ng isang netizen, “I’m seeing John Lloyd in the 9th slide.”
May pumuri kay Ellen for being a good mom.
“Ellen has blossomed into a fantastic mom.”
“The ultimate love that’s eternal #mumslove.”
True!




Comments