top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 5, 2025



FRANKLY - AHTISA, ‘DI NANINIWALA SA DAYAAN SA MISS U 2025_FB Ma. Ahtisa Manalo

Photo: FB Ma. Ahtisa Manalo



Dedma na si Ahtisa Manalo sa lahat ng magi controversies and issues sa Miss Universe 2025 na pinagpiyestahan ng buong mundo recently. 


Isa nga sa mga issues na ito ay nagkaroon umano ng dayaan at maraming disappointed sa resulta ng pageant.


Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Wednesday, natanong si Ahtisa kung disappointed siya being part of the pageant at ayon sa MU 2025 3rd runner-up, “No, not all.”


Paliwanag niya, “I was living my dream, and I was focused on getting the goal of Miss Universe 2025, and frankly, everything else around me. I didn’t really care that much for whatever was happening around me. In the sense na ang goal ko, maging Miss Universe 2025 and there will always be drama wherever you are in life.”


Dagdag pa niya, “So sa akin, focused lang ako. Whatever is happening around me, it’s okay.”

When asked about her assessments on all the issues including the rigging allegations, aniya ay mahirap daw paniwalaan kung ano ang totoo at hindi.


“I’ve been in pageants for 18 years, and I know that not all news is factual when it comes to pageants. It’s hard to know kung ano ang tsismis at kung ano ‘yung totoo.

“So for me, I always make sure that I don’t judge based on what I hear, especially if there is no evidence to it,” aniya.


“If I’m presented with facts, then I might change my opinion, but with no facts, it is what it is,” she added.


At sa lahat ng mga nangyari sa pageant, aniya ay tapos na ‘yun at nais na niyang mag-move on.


“It happened na. You know, there will always be things in life na hindi natin magugustuhan ‘yung resulta. And that goes for anything, even this competition.


“And to me, tapos na s’ya, wala na tayong magagawa about it. Let’s just move on with our lives,” saad ng beauty queen.


Marami kasing pageant fans na hindi pa rin makausad hanggang ngayon.



HINDI akalain ng 9-year-old singer-songwriter na si Love Kryzl na magiging viral ang music video ng kanyang original song na Kayong Dalawa Lang kung saan ay tampok si Kiray Celis at ang fiancé nitong si Stephan Estopia.


Nang ilabas kasi ni Kiray ang wedding scenes nila sa music video, inakala ng lahat na kasal na sila ni Stephan at ibinalita na sa lahat ng mga online sites that day. Ang dami ring nag-share nito sa social media at binati ang ‘bagong kasal’.


Sa launching ng single na ginanap last Tuesday, ayon kay Love Kryzl na bagama’t hindi niya in-expect, sobrang happy siya na nag-trending ang wedding scene ng kanyang Ate Kiray at Kuya Tepan.


For one, regalo raw talaga niya ang kantang ito kina Kiray at Stephan para sa nalalapit na kasal ng mga ito ngayong Disyembre. Naging close ng kanyang pamilya si Kiray dahil ambassador ito ng mga produkto ng Purple Hearts kung saan ay CEO si Love Kryzl.


Kinunan ang music video sa Las Casas Filipinas de Azucar at ayon kay Love Kryzl, nag-enjoy siya during the shoot dahil sa magagandang tanawin sa lugar.


Samantala, when asked about her participation sa kasal ng dalawa, aniya ay siya ang little bride. Bukod sa kanta, wedding gift din niya sa husband and wife-to-be ang hotel reception venue ng kasal at ang event styling ni Gideon Hermosa. 


Not only that, bumili rin daw siya ng kanyang Purple Hearts products para isama sa wedding giveaways nina Kiray at Stephan.


Ang kantang Kayong Dalawa Lang at ang music video nito ay ipinrodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies. 


Inanunsiyo rin na si Love Kryzl ay maglulunsad pa ng isang single ngayong taon at inaasahang magkakaroon ng concert ang batang CEO sa susunod na taon.

Ang music video ng Kayong Dalawa Lang ay mapapanood na sa Love Kryzl Facebook (FB) page at sa Love Kryzl’s World YouTube (YT) Channel.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 21, 2025



Shuvee Etrata - IG

Photo: Shuvee Etrata - IG



Ngayon pa lamang ay may paalala na ang mga nagmamalasakit kay Shuvee Etrata na huwag siyang ma-fall kay Paolo Contis. 


Bukod kasi kay Dingdong Dantes ay kasama rin sa upcoming seryeng Master Cutter si Paolo kaya may warning na ang mga kaibigan ni Shuvee na mag-ingat at dumistansiya sa chickboy na aktor. 


Baka raw matulad siya kina LJ Reyes at Yen Santos na pinaibig at iniwan lang ni Paolo.

Ganunpaman, marami naman ang nagsasabing guarded si Shuvee ng kanyang manliligaw na si Anthony Constantino na isa ring Sparkle artist. Siya ang dreamboy ni Shuvee na TDH – tall, dark and handsome. 


Strong ang character ni Shuvee at ang priority ay ang kanyang pamilya. Siya ang breadwinner kaya hindi pa handa sa seryosong relasyon.


Samantala, sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon, hinding-hindi malilimutan ni Shuvee ang kabaitan at kagandahan ng loob ng BFF niyang si Ashley Ortega. 


Nagkasama sila noon sa seryeng Hearts on Ice (HOI) ng GMA-7 kung saan si Ashley ang bida. At that time, walang permanenteng tirahan si Shuvee kaya inalok siya ni Ashley na tumira sa kanyang condo. 


Wala pa ring gaanong gamit noon si Shuvee kaya pinahihiram siya ni Ashley ng bag at sapatos.


Pero nasira ang Christian Dior shoes ni Ashley na kanyang ginamit kaya nang mag-show sila sa Japan at may nakita siyang shop ng Christian Dior, bumili siya ng sapatos para kay Ashley. 


Wala man siyang nabili para sa kanyang sarili, happy siya na may maibibigay siya sa BFF.

Bongga rin ang mga endorsements na dumarating ngayon kay Shuvee Etrata. Kasama siya sa mga selected endorsers ng Louis Vuitton. Sosyal na ang porma niya, hindi na siya ang dating starlet ng Kamuning Network.



HINDI na ikinagulat ng marami ang breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson kahit 6 na taon tumagal ang kanilang relasyon. 


Umpisa pa lamang ay tinaningan nang hindi magtatagal ang kanilang love story dahil may track record na kasi si Gerald na hindi nagtatagal sa kanyang pakikipagrelasyon.


Nasubaybayan ng publiko ang kanyang love life mula kina Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo atbp.. Short-lived din ang romansa nila noon ni Pia Wurtzbach. 


Kaya, expected na ng lahat na mauuwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Julia Barretto — na nangyari na nga.


Bagama’t hindi nila ipinaalam sa publiko ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, hindi na rin pinag-interesan pang malaman ng publiko. May bagong babae na ngayon sa buhay ni Gerald, ang maganda at sikat na volleyball player ng Cignal HD Spikers na si Vanie Gandler.  


Tulad ng dati, hindi na ine-expect ng lahat na mauuwi sa kasalan ang relasyong Gerald-Vanie. At this point of his life, mahihirapan na si Gerald Anderson na makahanap ng babaeng kanyang pakakasalan.  Hindi pa rin kasi maalis ang kanyang image na chickboy.



NAG-VIRAL ang parody na ginawa ni Michael V. sa kontrobersiyal na lady contractor na si Sarah Discaya. 


“Ciala Dismaya” ang version ni Bitoy at maraming viewers ang aliw na aliw sa kanya. 

Maski ang ibang personalidad na involved sa hearing ng flood control projects ay binuhay din ang mga character sa Bubble Gang (BG).


Milyun-milyong viewers ang naitala sa episode 1 ng Ciala Dismaya Scandal, lalo na’t nasundan pa ito ng iba pang memes. Bagama’t parody lamang ang ginawa ni Michael V., maraming viewers ang nag-react at naaliw. Seryosong issue ito na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 20, 2025



Photo: Pia Wurtzbach at Heart Evangelista - IG



Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ikinagulat din niya na tila nagkaroon na ng kompetisyon sa fashion industry.


Sa kanyang panayam sa Preview.Ph bilang covergirl ng May issue nito, diretsong sinabi ng beauty queen/influencer na hindi niya inakalang magiging numbers game ang fashion world.


“I was surprised and a little bit taken aback, honestly,” aniya. 


Sey pa niya, “I didn’t want this to be a competition. No, I didn’t want it to be.”


Aniya ay galing na siya sa (beauty) competition at ayaw na raw niyang madagdagan pa.

“Like, come on, I just came from a competition a couple of years ago, I don't want to be in another one,” sey niya.


As we all know, 2 years ago ay pinasok na ni Pia ang mundo ng fashion, attending different international fashion weeks. Kaagad umingay ang pangalan niya sa fashion industry at napabilang sa listahan ng mga top influencers.


Kasabay din nito ay ang tila pagkakaroon ng comparison sa pagitan nila ni Heart Evangelista na matagal na ring nasa fashion industry.


Ang mga netizens at fans na rin nila mismo ang naglagay ng kompetisyon sa pagitan nila.


Nito lang nakaraang Marso, sina Pia at Heart Evangelista ang nanguna as the most influential celebrities in this year’s Paris and Milan Fashion Weeks based on Media Impact Value (MIV).


Base sa inilabas na release ng Launchmetrics, nanguna si Heart as the Top Celebrity, landing in the No. 1 spot in the 2025 overall landscape ranking of Milan Fashion Week habang pumapangalawa naman si Pia.



INANUNSIYO ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang bago nitong proyekto na TikTok (TT) Video Competition na puwedeng salihan ng ating mga artista, vloggers, influencers, content creators at kahit na simpleng tao.


Naging panauhin sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery ang newly-elected president ng FFCCCII na si Victor Lim kasama ang iba pang officers last Friday para magbigay ng detalye tungkol sa bagong proyektong ito.


Ang TikTok Video Competition ay bukas sa lahat ng Filipino youth, ages 18-35.


Ang video entry ay kailangang may habang 1-2 minutes, nasa MP4 format na may mga English subtitle na tutuon sa relasyon ng Pilipinas-China, kabilang ang mga personal/komunidad na kuwento, kultural na koneksiyon o mga pananaw para sa mas matatag na bilateral na ugnayan.


Hinihikayat ni Lim ang mga kabataang Pinoy na lumahok. 


Sey niya, “Ito na ang iyong pagkakataon para ipagdiwang ang ating ibinahaging kasaysayan sa pamamagitan ng pagkamalikhain. Hayaan ang iyong mga video sa TikTok na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at ipakita ang masiglang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at China.”


Layunin ng TT Video Competition na hikayatin ang mga kabataang Filipino na mag-focus sa milestone, kuwento at mga hangarin sa hinaharap ng makasaysayang relasyon ng Pilipinas at China.


Kailangang i-upload ang video sa TikTok gamit ang hashtag na #PHChina50Years at i-tag ang @ffcccII.official. Magrehistro at magsumite ng mga entry hanggang Mayo 27 sa pamamagitan ng opisyal na QR code (na matatagpuan sa mga poster ng FFCCCII).


Ang mga mananalo ay iaanunsiyo sa June 8 at ang magwawagi ay magkakamit ng:

1st Prize, P100,000 thousand; 2nd Prize, P50,000 thouzand; 3rd Prize, P30,000 thousand; 10 Consolation Prizes na P10,000 thousand bawat isa; at 3 Special Citations, P20,000 thousand bawat isa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page