Sa mga nagtatago, si Sen. Dela Rosa ang pinaka-kwela kasi 'inokray' lang yata siya na may warrant of arrest na siya, nagtago na!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 19, 2026

SI SEN. DELA ROSA ANG PINAKA-KWELA KASI 'INOKRAY' LANG YATA SIYA NI OMBUDSMAN REMULLA NA MAY WARRANT OF ARREST NA SIYA, ABA'Y NAGTAGO NA – Sa limang personalidad na nagtatago—Sen. Ronald Dela Rosa, gambling tycoon Charlie "Atong" Ang, dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, dating presidential spokesman Harry Roque, at dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag—si Sen. Dela Rosa ang pinaka-kwela sa lahat.
Nagtatago sina Atong Ang, Zaldy Co, Harry Roque, at Gerald Bantag dahil kumpirmadong may inilabas na warrant of arrest laban sa kanila kaugnay sa kanilang mga kaso. Ngunit si Sen. Dela Rosa, tila "inokray" lang siya ni Ombudsman Remulla—may balitang may warrant of arrest na rin siya sa kasong crimes against humanity, kahit wala pang kumpirmasyon mula sa International Criminal Court (ICC). Aba’y mantakin n’yo, agad siyang nagtago. Boom!
XXX
NAGSASALIMBAYAN SA DAMI RAW NG MGA 'TONGPATS COLLECTORS' SA JURISDICTION NI PNP-REGION 4-A DIRECTOR, GEN. KENNETH LUCAS – Sa ilalim ng pamumuno ni PNP-Region 4-A Director Brig. Gen. Kenneth Lucas, marami raw ang mga kilalang "tongpats collectors" sa CALABARZON, kabilang daw sina "Tsan Parak," "Tata Obet," "Adlawan," "Dimapeles," "Rico," "Jong," "Digoy," "Lopez," "Roy," "Panganiban," "Marcial," "Mike," "Ocampo," at "Balay."
Dahil sa dami ng mga ito, marami rin daw ilegal na operasyon at iba't ibang uri ng raket ang lumalaganap sa rehiyon.
Kaya’t nananatiling tanong: Kailan magsasagawa ng aksyon si Gen. Lucas para ipahuli ang mga "tongpats collectors" sa kanyang nasasakupan? Abangan!
XXX
CUSTOMS COMM. NEPOMUCENO, DAPAT DAW MASIBAK DAHIL SA MAHINANG TAX COLLECTION – Kung matutuloy ang sibak sa mga miyembro ng Gabinete at iba pang high-ranking officials ng pamahalaan, isa raw sa dapat masibak ay si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
Lumabas kasi na mahina ang kanyang diskarte pagdating sa tax collection. Ang target ng Customs para sa 2025 ay P958.7 billion, ngunit P934.4 billion lamang ang nakolekta, kulang ng higit P23 billion. Kung nakolekta sana ang halagang iyon, malaking pondo ito na magagamit ng pamahalaan para sa mga programa para sa kapakanan ng mamamayan. Period!








Comments