Sa mga korup na nagnakaw sa bayan… EDU: WALANG VIP ENTRANCE SA IMPIYERNO!
- BULGAR

- 24 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2026

Photo: IG _realedumanzano
May reaction ang ilang celebrities pagkatapos ng sunud-sunod na bagyo at matinding baha sa Metro Manila at ibang parte ng bansa.
Sey ni Dennis Trillo, “Kumusta kaya ‘yung mga nagnanakaw sa mga flood control projects? #fyp #foryourpage #neverforget.”
Sabi naman ni Yasmien Kurdi, “‘Wag tayong masanay sa ayuda, libreng sakay at relief goods. We deserve a system that really works. P****ina, paulit-ulit na lang.”
Dasal naman ni Edu Manzano, “A PRAYER FOR THE CORRUPT. May every peso you stole become a witness against you. May every ghost project haunt you. May every flooded home, every displaced family, and every life lost remind the country of what your greed has done.
“You may buy silence, influence, loyalty and even an army of trolls and defenders. But eventually, even the most powerful thief runs out of people to bribe. You may escape accountability here.
“But hell has no VIP entrance, no political padrino, no special treatment and absolutely no bail.”
May post pa si Edu na: “‘Di kami t*nga. Pero ‘wag din nating hayaang tratuhin tayong parang t*nga. Taun-taon, baha. Taun-taon, rescue. Taun-taon, may namamatay.
Samantalang bilyun-bilyon ang inilaan sa flood control, pero ang malinaw na umaangat ay ‘di ang kalidad ng mga proyekto kundi ang yaman ng iilan.
“‘Pag ‘di tayo nagtanong, ‘di naningil at madaling makalimot, mas lalalim ang baha at mas lulubog ang bayan.
“‘Di sapat ang magising, kailangang maningil.
“Ibalik ang pera. Pangalanan ang mga sangkot. Ikulong ang mga magnanakaw.”
Ramdam ang galit ng mga netizens sa mga comments sa post nina Dennis, Yasmien at Edu. Umaasa ang taumbayan na managot na ang dapat managot sa matinding baha.
MATAPANG ang VMX (Vivamax) stars na sina Rhian Rivera at Lea Bernabe sa mga eksena nila sa POV (Pasilip on VMX) at matapang din ang director ng movie na si Carby Salvador. Hindi magrereklamo ang makakapanood kapag nagsimula na ang streaming ng movie sa VMX.
Paliwanag nina Rhian at Lea, ginawa lang nila kung ano ang nasa script at kung ano ang sinasabi ni Direk Carby. Ginawa nila ang kanilang best para hindi na ulit-ulitin ang mga eksena.
Kaya naman, sa trailer pa lang, maeenganyo na ang mga moviegoers na panoorin ito.
Ang pangalan pala ni Rhian ay pinaghalong pangalan nina Rhian Ramos at Marian Rivera. Ang kaibahan lang, mas daring siya kaysa sa dalawa.
MAGKATABI sina Heart Evangelista at Isabel Oli nang manood ng Biyaheng Bente concert ni Yeng Constantino. Nang tuksuhin sina Heart at John Prats, na director ng concert, isa si Isabel sa mga kinilig at tumawa. Nagtapikan pa sila ni Heart habang parehong natatawa.
Natuwa ang mga fans sa nakitang reaksiyon ni Isabel sa panunukso ng audience kay Heart at sa asawa niyang si John. Napaka-professional daw nito, kaya naniniwala silang kapag natuloy ang project nina Heart at John, walang magiging problema kay Isabel. Siguradong susuportahan niya ang mister, hindi siya magiging problema.
Una nang nag-bonding sina Heart at Isabel, bago pa ang date nina Heart at John na nagpunta sa Aivee Clinic for face treatment.





Comments