top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2026



BIDA - EDU WALANG VIP ENTRANCE SA IMPIYERNO!-IG _realedumanzano

Photo: IG _realedumanzano



May reaction ang ilang celebrities pagkatapos ng sunud-sunod na bagyo at matinding baha sa Metro Manila at ibang parte ng bansa.


Sey ni Dennis Trillo, “Kumusta kaya ‘yung mga nagnanakaw sa mga flood control projects? #fyp #foryourpage #neverforget.”


Sabi naman ni Yasmien Kurdi, “‘Wag tayong masanay sa ayuda, libreng sakay at relief goods. We deserve a system that really works. P****ina, paulit-ulit na lang.”


Dasal naman ni Edu Manzano, “A PRAYER FOR THE CORRUPT. May every peso you stole become a witness against you. May every ghost project haunt you. May every flooded home, every displaced family, and every life lost remind the country of what your greed has done.

“You may buy silence, influence, loyalty and even an army of trolls and defenders. But eventually, even the most powerful thief runs out of people to bribe. You may escape accountability here.


“But hell has no VIP entrance, no political padrino, no special treatment and absolutely no bail.”


May post pa si Edu na: “‘Di kami t*nga. Pero ‘wag din nating hayaang tratuhin tayong parang t*nga. Taun-taon, baha. Taun-taon, rescue. Taun-taon, may namamatay.


Samantalang bilyun-bilyon ang inilaan sa flood control, pero ang malinaw na umaangat ay ‘di ang kalidad ng mga proyekto kundi ang yaman ng iilan.


“‘Pag ‘di tayo nagtanong, ‘di naningil at madaling makalimot, mas lalalim ang baha at mas lulubog ang bayan.


“‘Di sapat ang magising, kailangang maningil.


“Ibalik ang pera. Pangalanan ang mga sangkot. Ikulong ang mga magnanakaw.”

Ramdam ang galit ng mga netizens sa mga comments sa post nina Dennis, Yasmien at Edu. Umaasa ang taumbayan na managot na ang dapat managot sa matinding baha.





MATAPANG ang VMX (Vivamax) stars na sina Rhian Rivera at Lea Bernabe sa mga eksena nila sa POV (Pasilip on VMX) at matapang din ang director ng movie na si Carby Salvador. Hindi magrereklamo ang makakapanood kapag nagsimula na ang streaming ng movie sa VMX.


Paliwanag nina Rhian at Lea, ginawa lang nila kung ano ang nasa script at kung ano ang sinasabi ni Direk Carby. Ginawa nila ang kanilang best para hindi na ulit-ulitin ang mga eksena. 


Kaya naman, sa trailer pa lang, maeenganyo na ang mga moviegoers na panoorin ito.


Ang pangalan pala ni Rhian ay pinaghalong pangalan nina Rhian Ramos at Marian Rivera. Ang kaibahan lang, mas daring siya kaysa sa dalawa.





MAGKATABI sina Heart Evangelista at Isabel Oli nang manood ng Biyaheng Bente concert ni Yeng Constantino. Nang tuksuhin sina Heart at John Prats, na director ng concert, isa si Isabel sa mga kinilig at tumawa. Nagtapikan pa sila ni Heart habang parehong natatawa.


Natuwa ang mga fans sa nakitang reaksiyon ni Isabel sa panunukso ng audience kay Heart at sa asawa niyang si John. Napaka-professional daw nito, kaya naniniwala silang kapag natuloy ang project nina Heart at John, walang magiging problema kay Isabel. Siguradong susuportahan niya ang mister, hindi siya magiging problema.


Una nang nag-bonding sina Heart at Isabel, bago pa ang date nina Heart at John na nagpunta sa Aivee Clinic for face treatment.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 1, 2022



Ayon sa basher ni Rabiya Mateo, 'looks cheap' umano ang kanyang pagsasayaw, maging ang pakikitungo niya sa social media.


Sinagot ni Rabiya sa kanyang TikTok account ang basher.


Aniya, "In a world full of bullies. Be kind #foryou #fyp."


May kumampi naman sa dating pambato natin sa Miss Universe beauty pageant.


"Somehow, may point din naman kasi siya. Minsan talaga, may mga oldies na mahihirapan ka talagang irespeto kung ganyan ang way magsalita sa kapwa."


"Apektado si Atey. Block na lang kung sino man 'yang faney mo na 'yan. Nagpapapansin obviously."


"Lalo kang iba-bash ng mga secret fans mong nagpapapansin sa iyo, lelz."


"Well said, Rabiya. Kudos! Pero sobrang white ng veneers mo. Hindi magandang tingnan & sa sobrang puti, it’s distracting kasi it looks very artificial. And sana, palitan mo 'yung profile pic mo sa Twitter. It’s not a good angle/shot of you."


"Dapat talaga, one should pass an IQ and EQ exam before being allowed to open a social media account para hindi magkalat ng toxic at talangka."


"IQ lang dear, sapat na."


"Ang masasabi ko lang d'yan 'I CAN MAKE A MAN STAY' period, haha!"


Sey naman ng isang commenter, "Hay naku, girl, 'di ka na dapat pumapatol sa ganyan if you are truly proud of yourself. Haters gonna hate so learn the art of dedma."


"Ang nega talaga ng image ni girl. Wala bang ginagawa 'yung management para pabanguhin man lang ang image niya?"


"Dati raw, gusto niyang maging teacher, tapos naging Vivamax levels na lang si Ateng."


Pinuri naman siya sa pagiging matulungin.


"'Di lang siya beauty and brains, matulungin din. Pinatuloy niya sa condo niya ang mga total strangers na walang matulugan kaya kabi-kabila ang blessings. Mga bashers niya, nganga pa rin ang buhay."


"It's a learning opportunity for some commenter who step on a boundary. Celebrities will at times have to draw that line. Social media etiquette is evolving din naman. Celebrities will have to pick their battles when it comes to responding to rude comments. Minsan, block na lang, minsan naman, they have to put these bashers back to their place. I think Rabiya's message was on point and thought she handled this well and rose above the occasion. That was classy in my opinion."


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 13, 2022



Viral ngayon sa social media ang pagkikita kamakailan nina Liza Soberano at K-Pop artist Henry Lau kung saa'y hinarana ng huli ang aktres.


Sa TikTok post ni Henry, makikita sa video na kinakantahan ng dayuhang singer si Liza ng Take A Listen song, habang kinikilig naman ang girlfriend ni Enrique Gil.


Kaya naman sa nasabing post ni Henry, maraming netizens ang nag-react sa comments section.


Sabi ng isang netizen, "Mapapa-sana all ka na lang talaga. Hay, sana all, Liza."


Samantala, ibinahagi rin ng aktres ang isang photo kasama si Henry sa kanyang Instagram page last Friday (November 11).


"TikToks and fun conversations at casa @carelessph," Liza wrote.


May ginawa ring TikTok video sina Liza at Henry ng trending sa social media na Low ng American rapper na si Flo Rida.


"@iamhenry you were in every frame. Better luck next time! #low #fyp #foryou #foryourpage," Liza posted on her TikTok page.


Si Henry ay Canadian singer at actor na based in South Korea and China. He debuted as a member of Super Junior-M back in 2008 and pursued a solo career in 2013. He is the artist behind the most streamed Korean OST It's You.


He released three Extended Plays throughout his career including Trap in 2013, Fantastic in 2014, and Journey in 2020.


Agad namang nag-comment ang mga fans sa photo at TikTok video nina Liza at Henry.


"The crossover I never knew I needed," sabi ng isang fan.


Komento naman ng isa pa, "The beauty and the music genius!"


Hindi ito ang unang pagkakataon ni Liza na makakita ng K-Pop idols. Na-meet na rin niya si Jay Park, WINNER's Seunghoon, IVE, and DK of IKON nitong taon lang.


Sa isang interview with ABS-CBN News nito lang August, Liza shared that meeting K-Pop idols during her recent trips to Korea was a dream come true.


"It was so much fun. It was two trips actually. The first one was just networking, just getting to know the different industry people. The second trip that we had, that was more getting to connect with the actual artists and celebrities, getting to know them and just collaborating on a few social media stuff like TikTok and a few pictures for Instagram."


Kanya ring sinabi na isa sa mga highlights of her Korea trip this year was visiting the YG Entertainment office.


"I was living my fangirl dream, I got to go to the YG office. I’m a huge YG fan. The whole time it didn’t feel real to me, every day we were just meeting K-Pop idols left and right and it was just a surreal experience, but so much fun. Hopefully, we get to work with them in the future," sabi ng aktres.


Ine-enjoy ni Liza ang pag-e-explore sa mga opportunities na dumarating sa kanya habang nasa Korea matapos pumirma ng kontrata sa Careless agency ni James Reid.


"I was looking for personal growth in my career. I’ve been working in the industry for 12 years now and I’ve been working with pretty much the same set of people that I’ve been working since then, not to say that I’m not grateful, not to say that I haven’t achieved so much by working with them but as I got older, I started discovering who I really was and I wanted more control over how to express that," aniya kung bakit siya pumirma ng kontrata sa Careless sa isang panayam sa kanya nu'ng June.


Liza was recently in the US and just wrapped up filming her first Hollywood film titled Lisa Frankenstein.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page