Sa hiwalayan kay Dominic… CARLA, IPINAGPE-PRAY SI BEA
- BULGAR
- Feb 10, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 10, 2024

Magkasama sina Carla Abellana at Bea Alonzo sa Widows’ War at hindi naiwasang kumustahin kay Carla si Bea nang dumalo siya sa 32nd anniversary ng Mega Magazine.
Maganda ang naging sagot ni Carla nu'ng na-interview sa 24-Oras at hindi iisiping nakialam siya.
“Hindi ako someone na itatanong ang mga nangyayari sa kanya. That’s very sensitive and private matter. That is her personal life, but of course, I pray for her,” sagot ni Carla nang tanungin tungkol kay Bea.
For sure, na-appreciate ni Bea ang sagot ni Carla at sagot ng mga kaibigan niya na hindi nakikialam sa personal niyang buhay. Tama ‘yung attitude na hangga’t hindi hinihingi ang opinion, ‘wag magsasalita.
May nag-comment na parang pareho ang pinagdaanan nina Carla at Bea sa kanilang love life. Ang kaibahan lang, sina Carla at Tom Rodriguez, naghiwalay noong kasal na sila. Sina Bea at Dominic Roque, naghiwalay sa gitna ng kanilang wedding preparations.
And speaking of Carla, may mas mahaba siyang comment sa controversy na dala ng online selling niya ng kanyang pre-loved items. Sobra siyang na-bash dahil doon at kinailangan pang i-off ang comment box ng IG account niyang carlaangeline_closet dahil sa mga hate comments.





Comments