top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Sa harap ng mga batang estudyante... Misis na guro, binaril ng mister na pulis sa iskul, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 11, 2026



Pulis binaril ang asawang teacher sa eskwelahan - Bangkok Post

Photo: Pulis binaril ang asawang teacher sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan - Photo from Bangkok Post



Patay ang isang guro matapos siyang barilin ng kanyang asawang pulis sa kindergarten na kanyang pinagtatrabahuhan sa Chonburi, Thailand nitong Miyerkules.


Ayon sa lokal na opisyal, dumating ang pulis alas-10:30 ng umaga at kinausap ang kanyang asawa bago ito barilin sa labas ng classroom. Walang batang nakasaksi sa insidente.


Agad namang umuwi ang suspek at doon hinarap ng mga pulis habang nakikipagnegosasyon ang mga awtoridad para sa kanyang pagsuko. Hindi pa malinaw ang motibo.


Ligtas na nailikas ang lahat ng 44 bata, kasama ang tatlong guro at tatlong staff. Isinara rin ang kindergarten at magbibigay ng psychological support sa mga bata at staff na naapektuhan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page