Russia oil deal, panakip-butas lang sa krisis sa gasolina
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | April 6, 2026

May ulat na naospital si US President Trump.
Tsismis lang daw po.
Sa ngayon!
-----$$$---
May suplay ng petrolyo mula sa Russia.
Pang-bulaklak-dila lang.
Walang talab ‘yan sa lumolobong presyo ng langis.
-----$$$---
Kay daming nagtatanong: Kailangan babalik ang “normal”?
Ere po ang totoong sagot: Normal na po ang ating nararanasan.
Wala pang makakasagot kung hanggang kailan tatagal ang “kasalukuyang normal.”
-----$$$--
MALINAW na dapat yakapin natin ang mapait na katotohanan—wala pong solusyon sa kasalukuyang krisis.
Imbes na humupa, patindi nang patindi po ang ating nararanasan.
----$$$--
ITINATATWA ng gobyerno na may “krisis.”
Iyan po ang “abnormal.”
-----$$$--
DAPAT ay ipaunawa ng gobyerno sa ordinaryong mamamayan na may krisis—at mula dito, sama-sama itong yayakapin upang mabawasan ang negatibong epekto.
Inuulit natin, “bawasan” lamang ang negatibong epekto.
Malinaw na may “negatibong epekto” na mararanasan nang matagal na panahon.
-----$$$--
DAPAT magpatiuna sa “pagtitipid at pagsisinop”ang gobyerno.
Bawasan ang paggamit ng behikulo.
----$$$---
Ipaimbentaryo lahat ng behikulo at irehistro kung saan at paano ito ginamit.
Kailangan may “permiso” sa crisis committee ang paggamit.
-----$$$--
DAPAT ay mag-organisa ng “crisis committee” at “crisis sub-committee “ ang lahat ng departmento, ahensya at LGU.
Ideklara nang mas maaga ang “State of Emergency” sa buong bansa—kasabay ng utos sa pag-oorganisa ng “crisis committee” sa bawat antas ng pamahalaan.
-----$$$--
GAWING modelo ang “pagtitipid” ng gobyerno ng pribadong korporasyon at negosyo.
Magsagawa ng mga “contingency measure” ang gobyerno at pridadong sector.
-----$$$--
MATAPOS ang hindi mapigil na presyo ng petrolyo at LPG— susunod ay ang “pagkawala ng supply”.
Tama, irarasyos ang supply kapag tumindi nang todo ang krisis.
----$$$--
Ngayon pa lamang ay i-setup na ang istruktura at magtakda ng “protocol” o “template” na ida-dry run.
Ito ay upang tomodo na ang aktuwal na krisis—epektibo ang mga hakbang na ipatutupad.
-----$$$--
KAILANGAN ng talino, utak, at diskarte sa panahon ng krisis.
Kapag walang “diskarte” ang mga lider—kawawa ang ordinaryong mamamayan.
----$$$---
Ang delikado, ang krisis ay karaniwang nagpapaguho at nagpapabagsak sa mga umiiral na pamahalaan—sa buong mundo!
Huwag sana itong maranasan ng Pilipinas!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments