top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

PBBM, wala raw pananagutan sa unconstitutional 2024, 2025 at 2026 budget, ibig sabihin wa’ ‘wenta pala ang desisyon ng SC. Pwe!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 23, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WA’ ‘WENTA PALA ANG DESISYON NG SC NA  UNCONSTITUTIONAL 2024, 2025 AT 2026 BUDGET, KASI WALA NAMAN DAW PANANAGUTAN DITO SI PBBM KAHIT SIYA ANG LUMAGDA — Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang ilang probisyon sa 2024, 2025 at 2026 national budget, ay sinabi ni Vice President Sara Duterte na dapat daw managot dito si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil siya ang pumirma sa mga budget, pero ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting ay "in good faith" daw ang paglagda kaya't wala raw pananagutan ang Presidente.


‘Eh, kung ganyan na wala pa lang pananagutan dito si PBBM, ay lumalabas na wa’ ‘wenta pala 'yang naging desisyon ng SC, boom!


XXX


SENS. ESTRADA AT MARCOLETA, TAGILID SA MGA KASO NILANG PLUNDER — Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-day preventive suspension sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa kinakaharap nilang kasong plunder.


Sa totoo lang, masamang pangitain para kina Sen. Estrada at Sen. Marcoleta ang pagpataw sa kanila ng 90-day preventive suspension kasi indikasyon 'yan na tagilid sila sa kinakaharap nilang kasong plunder sa Sandiganbayan, period!


XXX


MAY PAGKAKATAON NANG HULIHIN SI SEN. DELA ROSA SA SENADO PERO HINDI GINAWA KAYA KAPAG WALA NA RIN ITO SA PANGANGALAGA NG ARMED MEN SA MINDANAO, STRIKE 2 NA SI SEC. REMULLA SA KANYANG KAPALPAKAN — Noon ay may pagkakataon na sana si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na ipahuli si Sen. Ronald Dela Rosa na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa loob ng Senado, pero hindi niya ito ginawa dahil sa "gentleman's agreement" nila ng noo’y Senate President Alan Cayetano na hindi ito palalabasin dahil nasa ilalim ito ng protective custody ng Senate of the Philippines, pero ang nangyari, nakaalis ito.


Sa paghahanap ay natunton ng tropa ni Sec. Remulla ang kinaroroonan ni Sen. Dela Rosa sa Mindanao, at pagkakataon na rin sana ito para dakpin siya, pero hindi na naman ginawa ng DILG Sec. dahil nakikipag-negotiate raw muna sila sa mga armadong nagbabantay sa senador, na i-surrender siya upang walang dugong dumanak sa lugar.


‘Eh, paano kung wala na rin doon si Sen. Dela Rosa, sabihin ng mga armed men na wala na ito sa kanilang pangangalaga, umalis na ito sa lugar? Naku, kapag ganyan ang nangyari, ay asahan na ni Sec. Remulla na bash na naman sa social media ang aabutin niya kasi nga natakasan na naman siya, strike 2 na siya sa kanyang kapalpakan, boom!


XXX


SA DAMI NG NAGALIT KAY SEN. ALAN CAYETANO NANG HINDI TUPARIN ANG PROMISE NA P10K AYUDA, PARANG ‘DI KAPANI-PANIWALA NA RANK 3 SIYA SA SENATORIAL SURVEY SA 2028 ELECTION — Sa mga senatorial survey ay nagra-rank number 3 si Sen. Alan Cayetano.


Sa totoo lang, parang hindi kapani-paniwala na mananalo si Sen. Alan Cayetano sa 2028 election kasi nga maraming galit sa kanya nang hindi niya tinupad ang promise niyang ayudang P10K sa bawat pamilyang Pinoy noong kasagsagan ng pangangampanya niya noong 2022 election.


Kung sa bagay, survey lang naman 'yan, kasi noong panahon ng kampanyahan noong 2025 election ay sa survey laging pasok sa top 12 sina former Sen. Bong Revilla at Willie Revillame, pero nang matapos ang bilangan ng boto, pareho silang talo, at ang mga nanalo ay sina Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan na sa mga survey noon ay hindi naman pumapasok sa top 12, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page