Royalties ng mga Science and Technology (S & T) personnel ng DOST

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 20, 2021
Dear Chief Acosta,
Ilang porsiyento ang share sa royalties ng mga Science and Technology (S&T) personnel na nagtatrabaho sa ating gobyerno, na kabilang sa mga nag-produce ng teknolohiya na na-patent? – Andres
Dear Andres,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 4 (4.1), Rule II ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 8439 o mas kilala bilang “Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S&T Personnel in the Government,” kung saan nakasaad na:
“Sec 4. Share of Royalties
xxx xxx xxx
3. xxx The share in royalties shall be on a sixty (60%) to (40%) percent basis in favour of the Government and the personnel involved in the technology/activity which has been produced or undertaken during the regular performance of their function.” [Binigyang-diin.]Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga S&T personnel na kabilang sa mga nag-produce ng teknolohiyana na-patent ay mayroong share na katumbas sa 40% ng royalties ng nasabing teknolohiya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments