top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Romualdez, malabo nang makalaya sa bigat at detalyadong sinabi ng ‘Maleta Boys’ sa Sandiganbayan

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 15, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TILA WALA NANG PAG-ASANG MAKALAYA PA SI CONG. ROMUALDEZ KASI DETALYADO ANG INILAHAD NG MGA 'MALETA BOYS' SA PAG DELIBER NG MGA MALETANG MAY PERA SA KANYANG MGA MANSYON — Sa pagdinig sa Sandiganbayan sa kasong plunder ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez ay idinetalye ng mga testigong tinaguriang "Maleta Boys" ang pagdeliber nila ng male-maletang pera sa mga mansyon ng dating speaker, base sa utos ng dati nilang amo na si ex-Cong. Zaldy Co.


Wala na talagang pag-asang makalaya pa si Cong. Romualdez kasi nga detalyadong-detalyado ang mga naging pahayag ng mga testigong "Maleta Boys" laban sa kanya, period!


XXX


SA HALIP NA BAIL, 90-DAY SUSPENSION IBINIGAY NG SANDIGANBAYAN KAY SEN. ESTRADA — Ang hinihirit ni Sen. Jinggoy Estrada na nahaharap din sa kasong plunder ay pansamantala siyang palayain sa pamamagitan ng piyansa, pero sa halip na pagpiyansahin, eh ang ginawa ng Sandiganbayan ay pinatawan pa uli siya ng 90-day preventive suspension bilang senador.


Sa totoo lang, masamang pangitain para kay Sen. Estrada ang panibagong suspension na 'yan na ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan kasi indikasyon 'yan na mari-reject ang hirit niyang makapagpiyansa, boom!


XXX


PARA MATIGIL NA ANG PAMBA-BASH KAY VP SARA, DAPAT IHARAP NIYA SA PUBLIKO ANG TUNAY NA NAGMAMAY-ARI NG MANSION RESORT — Bagamat sinabi na ni Vice President Sara Duterte na hindi siya ang nagmamay-ari ng mansion resort na ipinakita ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, ay patuloy pa rin pinuputakti ng batikos sa social media ang bise presidente kasi nga tumutugma ang lugar na kinatatayuan nito (mansion resort) sa agricultural land na nakatala sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng bise presidente.


Simple lang ang dapat gawin ni VP Sara para mapaniwala ang taumbayan na hindi siya ang nagmamay-ari ng mansion resort, at ito ay iharap niya sa publiko ang tunay na nagmamay-ari nito (mansion resort), kapag nagawa niya 'yan, siguradong matitigil na ang pamba-bash sa kanya sa social media, period!


XXX


IMBES MABAWASAN, LALO PANG DUMARAMI ANG MGA NADAGDAG SA MGA MAHIHIRAP NA PINOY SA PANAHON NG MARCOS ADMIN — Sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) ay 7.2% ng mamamayan ang nadagdag sa talaan ng mga naging mahirap sa bansa.


Bad news 'yan, kasi imbes mabawasan ang mga naghihirap sa bansa, eh nadadagdagan pa sa panahon ng Marcos administration, tsk!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page