top of page

Romualdez at gov’t officials, tahimik lang sa P805B scandal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | March 9, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagpa-panic na ang buong mundo.

Nadamay sa giyera ang buong Middle East.


----$$$--

TODO-TAAS na ang presyo ng petrolyo.

Damay-damay na ‘yan—next is mataas na “pasahe.”


-----$$$--

SA Pilipinas, ang usapan pa rin ay ang “Maleta soldiers”.

He-he-he! 


-----$$$--

Bakit ba lumitaw ang kuwento ng ‘Maleta soldiers’?

May tsismis na si dating House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng paglutang ng 18 ex-Marines.

Eh, bakit?

 

-----$$$--

ANG isyu sa Maleta soldiers ay aktuwal na umaagaw ng eksena mula sa orihinal na flood control projects scam.

Kapag may bagong “nag-e-expose,” natatabunan nito ang tunay na isyu sa flood control mess at nakakatakas ang mga hinihinalang mastermind.


-----$$$--

Mas nakadikit kasi ang pangalan ng dating speaker sa flood control scandal.

Ngayon, may bagong pinagpipiyestahan kasabay ng giyera sa Gitnang Silangan.


-----$$$--

KAHIT marami ang nagduda sa kuwento ng “Maleta soldiers,” nagawa nitong lumikha ng kalituhan at pagdududa kung naganap nga ba ang  pinakamalaking pandarambong sa kasaysayan ng bansa.

Parang mga palakang nagsiputakan at nagtatwa ang mga pulitikong nasasabit sa expose ng 18 ex-Marines.


-----$$$---

Marami naman ang nagtataka kung bakit tameme si Romualdez hinggil sa pinakabagong expose.

Kahit ang DOJ, Ombudsman o ang Senado ay tila walang interest o tahimik hinggil sa expose na umaabot sa P805 bilyong halaga ng kulimbat.


-----$$$--

PERO, nakakaagaw ng eksena ang expose ng 18 ex-Marines dahil maging ang pangalan ni Senate president Tito Sotto at Sen. Loren Legarda ay naikalantari sa isyu.

May nagsasabi na nakatulong ang dalawa na mailihis ang direksiyon ng isyu mula sa dating speaker nang naiipit ito sa pagbusisi ni Sen. Rodante Marcoleta.


-----$$$--

SA isang iglap, napalitan si Marcoleta sa kanyang komite at nadiskaril ang direksiyon ng imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee na patungo sa liderato ng Kamara ng mga Representante.

Kumbaga, nabago ang “wento”nang maupo si Sotto.


-----$$$--

SA ngayon, may mga nakakapansin na bumibitak na rin ang dating solidong tandem nina Sotto at Romualdez.

‘Yan ang ating babantayan sa gitna ng kaguluhan sa Middle East at sobrang taas sa presyo ng petrolyo. 


-----$$$--

KRISIS sa seguridad at ekonomiya ang nakaamba, pero ang mga kolokoy ay benggasa-kontra-benggasa sa maruming pulitika ang pinagtutuunan.

Kaawa-awang bayan, dedma ang mga buwaya!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page